Poser

669 7 0
                                    

Poser

"Last year i created a dummy account sa fb na nagamit ko sa tinder,i met a guy there. Nagaaral sya ng Law sa San Beda. Naging kami sa text for almost a year,then last December 16,nangulit na sya magkita kami although ilan beses na din siya nakikipagkita and nahingi ng picture,dahil wala ako mapakita na tao umamin na ako na poser ako,as expected nagalit sya but he asked me bakit ko nagawa, i told him i felt noone could accept me sa real circle ko kaya nagawa ko yun and i needed someone to accept me. Sabi nya hindi na sya galit though naramdamdam ko how he reacted tapos may friend ako nagadd sa kanya sa fb which lalo nya kinagalit kasi he felt pinagkakalat ko yung name and akala nya pinagtatawanan sya. I told him na kaya ko nakwento kasi i needed someone para magvent out kasi sobrang bigat ng pakiramdam ko . He told me he wants to move on and his space so i didnt text him na and pinablock ko sya sa agent ko
Last Christmas he texted me he said im sorry sa nagawa nya he said na kailangan lang daw nya alisin galit nya sabi nya pinapatawad na nya ako. After reading it gumaan pakiramdam ko somehow,i texted back saying thank you na napatawad nya ako and how i miss the person na laging andyan para sa akin for one year

The day after he replied again saying thank you nakakataba ng puso daw ung sinabi ko he said as well na may narealized sya and he need to win back something . I replied goodluck kung sino man gusto nya iwinback then he said ingat na sken. I texted him sabi ko iblock na nya ako sa phone kasi alam ko mahal ko pa sya at hindi ako makakamove on agad. Siguro defense mechanism ko na iblock na din sya that time kasi nalaman ko may iba na syang gusto . Hindi ko na din nalaman kung nagreply ba sya or hindi after nun pero ang alam ko nung time na yung sobrang sakit na hindi ko na kaya pa.

Wala lang ,alam ko lahat kayo sasabihin na wala ako karapatan masaktan pero ang bigat ,i felt that time ba ang purpose ko pala pang reconnect ng mag ex or mga hindi nagkatuluyan. I felt bad lalo nung nabasa ko na may iba na agad sya... Alam ko naman na kasalanan ko ito so dapat maging masaya na lang ako para sa kanya.

To Future Bedan Lawyer: hindi mo man ito mabasa siguro hanggang ngayon nagsisisi pa din ako,minsan gusto kita tawagan or itext ulit pero alam ko that you are trying to forget about me. Miss na miss pa din kita and mahal na mahal pa din kita pero alam ko na dapat na din kita kalimutan at itry mahalin at tanggapin ko sarili ko.

Salamat sa lahat ng naituro mo sa akin kahit thru text at calls lang tayo nun."

corporateslave
2006
Institute of Nursing (IN)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon