Inggit me

883 8 0
                                    

Inggit me

"Sobra akong nai-inggit sa kulturang mayroon ang MassCom students ng FEU. Everytime na baba ako ng second floor ng Arts Building at saktong break ng classes nila, lagi silang maingay and parang lahat sila close sa isa't-isa. One time, sinamahan ko yung friend kong MassCom, sabi ko ang ""Ang saya niyo no pati professors kabarkada niyo lang."" Ang sarap siguro mag-aral ng MassCom, kahit mahirap yung mga gawain, masaya ka pa din. Less pressure, saya nun di'ba? Basta, ginagawa mo lang lagi best mo.

Ganun din sa MedTech, sobrang caring ng mga professors nila sa kanila. Narinig ko kasi usapan ng dalawang professors nila tungkol sa remedials kasi madami daw nagfail sa quiz.

Natutuwa lang ako kasi hindi ganun ang society ko. Medyo seryoso ang datingan at hindi kami bonded, hindi enjoy.

Hindi ko rin na feel na nag-care ang professor sa amin, walang touch of being a parent, sobra akong ipit na ipit, always kabado, every time na papasok ako sa mga terror prof namin, na nagpipigil sa akin na maging active sa class kasi may times na magagalit sila kapag mali ang sagot mo. Ayaw nila ng joke answers. Bawal ba kahit minsan lang sa isang minsan?

Alam ko nagke-care sila pero kulang. Ewan. Basta, iba ang kulturang meron kami sa kultura ng ibang course ng FEU. Pero okay lang, sige, mag-aaral na ako. Nashare ko lang. "

GeorgeOfTheJungle
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon