Sana pinatawad kita.

617 12 0
                                    

Sana pinatawad kita.

3 taon na ang nakakalipas pero hindi ko parin makalimutan ang bawat minutong huli tayong nakapag usap. Nag away tayo dahil lang sa pumunta ka sa isang party kahit hindi kita pinayagang pumunta. Feeling ko betrayed na betrayed ako kahit napaka liit na bagay lang nung nagawa mo.

Nasaktan talaga ako kasi hindi mo na nga ako sinunod, nag sinungaling ka pa. Nakipag break ako sayo nu'n dahil sa sobrang galit ko. Iyak ka ng iyak. Habol ka ng habol sakin ng araw na yun pero hindi kita pinansin.

Tumatakbo ako sa kalye kahit naka greenlight para hindi mo ako mahabol... pero napatigil nalang ako nang marinig kong mag sigawan ang mga tao sa likod ko.

Pag lingon ko... kumpulan ng tao ang nadatnan ko. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Kinakabahan ako. Natatakot ako... Pinaniniwala ang sariling hindi ikaw yun. Hindi ikaw yung natatanaw kong duguan na nakahiga sa kalye na pinag titinginan nila.

Tumakbo ako pabalik.

Hindi ako makaiyak sa nakita ko. Hindi ko alam. Nanginginig ako. Nanghihina. Hindi ako makapaniwala. Panaginip lang 'to.

Ilang segundo akong nawala sa ulirat. Hanggang sa matauhan ako na wala ka na.

Napaka tragic ng nangyari at hanggang ngayon, sarili ko parin ang sinisisi ko sa pagka wala mo. Kung pinatawad sana kita agad, kung hindi sana kita iniwan, hindi mo rin sana ako iniwan ng tuluyan.

Sayang Jim. Hindi mo naabutan ang balita na magiging daddy ka na. Sobrang saya mo siguro nun mahal. Ikaw pa? Pangarap mong magka baby diba?

Pero alam ko namang nasa tabi ka lang namin palagi ni Jim. Ramdam ko yun. Oo, Jim din mahal. Ipinangalan ko siya sayo para kahit wala kana, habang buhay ko paring babanggitin ang pangalan mo. 😔

Stella
2007
Other
FEU NRMF

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon