Payong
Isang maulang panahon ng araw na i'yon nang makakita ako ng isang magandang binibini sa gilid ng Science Bldg na tila'y hindi makatawid sa NRH dahil walang dalang payong. Nilabas ko ang aking payong at nag alok ng tulong kasama ang itinatagong kagustuhan na may spark na maramdaman si magandang binibini sa akin.
Bago pa lamang ay nailarawan ko na sa aking isip ang posibleng mangyayari matapos ko siyang maihatid sa kabilang gusali. At yun ay ang mag papasalamat siya sa akin, mag kakatanungan kami ng pangalan, mag kakaayaang sabay kumain, magiging magkaibigan at sa huli'y papayag na aking ligawan.
Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon. Pag bukas ko ng aking payong, inalok ko ang binibini na sumukob ngunit..
Dumating ang isang lalake at sinambit na, "Layuan mo ang girlfriend ko! Baka masapak kita!" sabay hila sa binibini paalis.
HUHUHU! T*NGINA NAMAN! AKALA KO SPARK NA! NAUDLOT NANAMAN. HOOOOOO! BUHAY TALAGA PARANG LIFE!
singular
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
عشوائيThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.
