Pasensya na, Estudyante lang
Sakit ng ulo, gutom, pagkahilo, at siyempre uhaw sa pagtulog ang aking nadama sa pagsalubong sa panibagong araw sa kadahilanang paghahanda sa mga pagsusulit. Kaya naman sa aking pagsakay sa fx, ibayong tuwa ang aking nadama dahil SA WAKAS!!! makakaidlip din ako.
Ngunit bago ako umidlip ay pahapyaw ko munang binasa ang ilang mga aralin at saka yumuko at umidlip. Sa pagdilat ng aking mga mata, ibayong pagtataka ang aking nadama dahil iba na ang posisyon ng aking pagkakaidlip at ito ay sa HITA NA NG ATE ANG TINUTULUGAN KO.
Agad akong umupo ng maayos sabay yuko at idlip ulip. Sa mga sandaling iyon, hiya ang nangingibabaw at hndi na ako tumingin pa sa kanya at sa ilang sandali bumaba ng siya. So ate, kung sa palagay mong ikaw ang tinutukoy ko, patawad. Wala talaga akong intensyon at hnd ko plinano ang lahat. Pasensya na, estudyante lang.
payatot
2014
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila
![](https://img.wattpad.com/cover/65963950-288-k25444.jpg)
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
RandomThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.