Roommate from HELL
"Sana po mapost to, ilang buwan ko na tong gusto ishare.
Nagsimula ang lahat nung lumipat ako sa isang boarding house. Freshman ako. Ung boarding house namin ay parang pa-bahay ang style, meaning iisa ang kitchen, banyo tas share sa house chores.
So eto sisimulan ko na ang kwento sa haharapin kong isang taong kalbaryo kasama si roommate *insert irap*
Inanarate ko sainyo lahat ng ayaw ko sa roommate, at grabe lahat nang yon natagpuan ko kay dear dear roommate na itatago ko sa pangalang babalu. (Walang connection ang babalu sa itsura nya, wala lang ako maisip)
1. NANGUNGUHA NG DI KANYA
Nagsimula ang lahat sa isang Tupperware, may Tupperware kase ako sa room namin, apat kami sa room. Sa loob ng Tupperware ay dun nakalagay yung mga tinapay at yung nutella ko.
Etong Tupperware ko na to mahirap sya ilapat as in kulang nalng upuan ko para lang sumara ng ayos. Nauwi kase ako sa weekends, pag balik ko sa boarding house napansin ko bukas ung Tupperware ko di ko namn sya pinansin, ilang linggo sya laging ganon, laging bukas pero di naman ako nag bother icheck ung laman. Hanggat isang araw naisipan ko bumili ng gardenia, grabe excited ako kase tagal ko nang di nakain ng nutella gawa
one: wala akong tinapay at
two: masakit lalamunan ko
Tatke!!! pagbukas ko nung Tupperware pag tingin ko sa nutella kakaunti nalang. Parang nag evaporate .Nung iniwan ko yon halos kalahati pa, pagtingin ko kahit ung panabi nung jar sinasaid ng kutsara, may bakat bakat pa. Dalwa lang ang napalaman ko dun sa nutella na natira. Kaya ayun naglagay ako ng note sa loob.
"" pagkain ko to kung gusto mo bumili ka ng iyo. Mahal ang nutella bumili ka ng iyo. Oo kilala ko kung sino ka konti nalang mag wawala na ko, pagkain ko to na binili ng pera ko na bigay ng nanay at tatay ko na pinag hirapan nila Beastmode na ko""
Una naisip ko si L (kaklase ko nung hs at ka room) baka nakuha, eh kaso sabi nya masakit daw lalamunan niya kaya di sya nakuha. Pati alam ko naman na magsasabi un pag kukuha sya, ung isa namin ka room malabo din eh, di nya nga ata alam na may nutella ako. So natira si babalu lang kase sya naiiwan pag weekends at sa aming apat lagi syang may tasty. Langya nakakalibre pa ng nutella. Langya siguro sarap na sarap ka sa nutella ko no? Nahiya ka pa eh di mo pa inubos eh. Napakabait mo naman at naisip mo pa ako, pinagtira mo ako thanks ha!!!
Mula noong nagiwan ako ng note wala nang nanguha ng pagkain ko ewan ko kung nabasa nya yung note o dahil wala na syang makukuha
At hindi lang nutella pati sabong panlaba. Si L kase bumili ng sabon panlaba ang ginawa nya binalot nya sa plastik tas nakabuhol. Pagbalik nya ng dorm galing bahay nila, punit na yung plastik tas kulang na ung sabon. At Oo si babalu ang natira saming apat sa room. So sino pa masisisi wala naman multo sa boarding house namin,
2. SOBRANG INGAY
At hindi lang pangunguha ng gamit. May bonus maingay pa si babalu . Mahilig sya kumanta at di lang basta knta ung may kasamang birit habang naka headphones. Okay lang sana eh, kung maganda yung boses nya pero hindi eh. Okay lang kumanta oo, pero hindi eh minsan may tulog, nag aaral bigla bigla nalang bibirit, ano te ikaw lang tao sa room? Eh ako kaya tong fan na fan ni Taylor swift ay kantahin ko kaya nang pagkalakas ang mga kanta niya habang tulog ka o nag aaral ka magalit ka kaya?
Pagkinikilig roommate sa mga crush nya jusko po daig pa ang ten years old, kala mo nagtatantrums eh ,may pag sipa pa ng paa. irit pa more!
3. MAKALAT SA GAMIT
Isa pang nakakabwiset kay roommate ay ung pagiging makalat niya, grabe pag nakita mo lang gamit nya maawa ka dun sa gamit, nya hindi sakanya. Ung kama nya ang gulo lagi akala mo binagyo. Yung bedsheet tanggal na, walang punda mga unan. Tapos kulang nalang magtayo sya ng library sa kama sa sobrang dami nang librong nakapatong, ung mga candy nya nilalagay niya sa kama kaya ayun kulang nalang tirahan ng colony ng ants kama niya. Ewan ko ba kung paano sya nakakatulog don, ako nga di makatulog pag magulo kama ko eh. Tas sya ganun pa may kasiping pa syang langgam at libro at mga balat ng candy at kung ano pa.
Ung room namin isa sa pinaka magulo at Oo dahil sakanya. Paano ba naman ang daming niyang kahon sa room na pinaglagyan ng papel at kung ano. Di naman niya ginagamit di pa maitapon, ung table namin sa room di kami makapag patong paano ba naman nagtayo ng collection ng bote ng juice at softdrinks. Ang galing bumili pero di maitapon, nung isang beses kami pa ni L nagayos. Ewan ko ba sakanya lapit lapit ng basurahan eh di magawang itapon. Ewan ko lang kung napapansin ba niya kung gaano kadami nang ipis ang napapatay ko sa room. Lahat nanggagaling dun sa mga kahon na nakatambak. Okay sana kung sayo pang pupunta eh. Eh hindi minsan sakin pumupunta okay lang kung nasa sahig hahampasin ko lang eh tang*** sakin lumilipad. Muntik na ako malaglag sa kama sa 2nd floor pa naman ako nakahiga.
4. WALANG RESPETO SA TULOG
So ayun nga mejo katulad to nang number 2, si Babalu kase wala yang pake sa tulog. Nung isang beses nasa kama sya nanonood ng video sa phone edi ayun tawa sya ng tawa, okay lang naman. Kaso langya mag aaral pa pala sya pero inuna nya yon. Kaya ayun di mapatay ang ilaw sa kwarto, hanggat sa nakatulog na ko na bukas ilaw. Sanay na ako matulog na patay ilaw tulad nang isang normal na human being, takte nakabili pa nang eye mask dahil sakanya . Paano bukas ang ilaw kahit hanggang 4am pa paano inuuna ang kung ano bago mag aral.
Nung isang bese natutulog ako bigla ako nagising for some reason. pag check ko sa oras 4am, at nakita ko sya nag aaral pa.
Me: "" ate bat ang aga mo gumising?""
Sya: "" ha? Di pa ako natutulog""
Langya ano ka nocturnal?tulog sa umaga gising sa gabi?
Intindi ko naman na baka pagod ka sa school, pero grabe sino ba ang di mapupuyat araw araw madaling araw matulog.
Nung isa naman beses natutulog ako biglang may narinig ako parang naiiyak na parang natawa, tas ang creepy talaga nung tawa aba kinakabahan na ako akala ko multo na. Aba pagtingin ko sya lang pala nagtatawa sa video na pinapanood. Hating gabi na di manlang naisip na may magigising sya. Tas minsan nag coconcert sya pag tulog kami as in magigising ako nabirit birit pa sya. Ano ka ibong adarna? Okay sana kung maganda boses eh hindi eh.
Tas ang hilig nya na pag lalabas nang room. Di sinasara ung pinto. Kahit na maingay sa labas tas tulog ako o nagaaral di nya sinasara ang pinto. Eh minsan ako pa nagsasara eh sa 2nd floor nga ako nakahiga edi laking abala pa, bumababa pa ako para lang maisara pinto. Pero wala lang sakanya. Takte ka, kaya minsan sinasadya ko na di isara pinto at lakasan boses ko pag tulog ka eh. Takte ka maingayan ka sana.
5. KAMA KO YAN TE!
Dahil ako ang naka higa sa second floor ng double deck na bed. Si L sa first floor nakahiga. Tuwing uuwi ako minsan nakikihiga ako sa kama ni L.
Nung isang beses umuwi sa L kase vacant aba pagdating daw nakahiga si babalu sa kama. At feel na feel ang kama gamit pa unan at electric fan. Eh nahiya naman si L kay babalu kaya di nya pinaalis kahit na pagod na sya at one hour lang ang vacant . Eto naman si babalu walang pakiramdam di umaalis kahit alam naman niyang lagi nahiga si L . Feel na feel nya ung Uratex na foam ng kama ni L at ung electric fan.
Galing no? Dalwa dalwa kama
6. DI NATULONG SA CHORES
Dahil pa-bahay ang style ng boarding house, share share din s chores. And lahat kami sa room namin nagawa, pwera lang sakanya. Alam mo yung makikita nya ako na nag wawalis o naglalaba ng basahan di manlang sya nag aalok ng tulong or pinapansin manlang ung ginagawa ko ,ayun para syang prinsesa paupo upo lang aral aral, nood sa phone ng video, kanta kanta lang.
Ni minsan mula nang tumira ako don di ko sya nakikita humawak manlang ng walis. Galing no?
Buti nalang aalis na sya dalwang sem ko lang sya titiisin, goodbye roommate na hahahaha. Sana magbago ka na para sayo rin yun, take care sana less makalat ka na bente ka na uy umayos ayos ka.
Ps.
Please tangayin mo na lahat nang kalat mo pag alis mo.
Pps.
Wag ka magagalit ha lahat ng sinabi ko ay pawang katotohanan lamang.
Wag ka mag alala di naman ako galit mejo lang hahaha
"
Beastmode na roommate
2635
Other
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
RandomThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.
