I've always loved you.
"Hope you guys have time to read my story and sana may mapulot kayo na lesson dito.
So October 8, 2014 nung sinagot ako ng nililigawan ko. Syempre para sa ating mga lalake napaka sayang moment nun na sagutin ka ng "Yes, Tayo na"! diba? Naalala ko nun gumawa pa sya ng short video with our pictures together tas sa dulo nakasulat na "tayo na" and "I Love You". Sino ba naman hindi kikiligin dun ang effort naman kasi. So syempre maraming happy memories, meron ding mga malulungkot and nakaka asar na moments pero di naman miiwasan yun dahil sa isang relasyon kasi kaylangan nyung mag adjust sa isa't isa. Naalala ko nung kinuha mo yung binder ko at inuwi mo sa inyo. Kinabukasan ibinalik mo sa akin and nung buksan ko nadatnan ko yung effort mong ginawa. Pinuno nya ba naman ng mga sweet words telling me how much she loves me dun sa front page ng binder ko. Grabe diba? Kahit sa simpleng effort na ganyan napapangiti nya ako. Ang kulay pa nun hanggang ngayon nasa binder ko yun hindi ko tinatanggal.
Sabi ko sa sarili ko, mahal na mahal ko na talaga to and nag papasalamat ako dahil binigyan ako ni Lord ng napaka bait, napaka ganda, napaka sipag, napaka talino, napaka cute, napaka takaw, napaka sexy (sexy nga ba?) at kung ano-ano pang napaka, kasi para sa mga mata ko ikaw na yung perfect girlfriend ever. Syempre bilang isang lalake dapat mapadama rin natin kung gaano natin kamahal yung minamahal natin hindi ba? Syempre nag eeffort din ako minsan pupunta ako ng SM mag isa para mamili ng mga gifts for her every monthsary, like stuffy toys, damit, and so on. Everytime na ibibigay ko yung mga yun laging may letters na kasama telling you how beautiful you are and how lucky I am to have you in my life. Wala na akong hihilingin pa kay Lord sa mga panahon na yun kasi parang wished granted eh and I always the Lord for giving someone like her to me.
Months and months had passed and alam natin na parang roller coaster nga kapag nasa isang relasyon ka, may mga araw na masaya tayo at nag kukulitan at meron ding mga araw na hindi natin maiiwasan and minsan na pupunta sa away. Yung girlfriend ko eh sobrang topakin as in lahat ng maliliit na bagay palalakihin nya pero alam ko at na realize ko na rin na lambing lang din talaga ang hinahanap mo sa boyfie mo. Kaya pasensya na lang din dahil minsan hindi kita na iintindihan at napupunta tayo sa away pero alam mo naman na as much as possible at dahil hindi kita matiis eh gagawa ako ng paraan para mag kabati ulit tayo diba?
There was one time na nag away kami dahil sa lalake biruin mo naman nag uusap sila over the phone kahit na kaibigan mo lang yun bakit kaylangan mo pang i-delete convo nyu hindi ba? It lasted for weeks but syempre nakakapang duda pero nag sorry naman sya and ako etong sobrang mapagmahal sayo eh pinatawad na lang din kita. Isa lang naman yan sa mga pinag awayan namin while we were together pero no matter the circumstances are lagi akong nag papatawad sa mga kalokohang ginagawa nya. Sabihin na nating hindi sya 100% loyal pero hindi nya rin maitatanggi na mahal nya rin talaga ako.
So eto na we finally reached our 1st Year Aniversary or 365 days together. I'm always this guy na mahilig mag long message and yes daig ko pa girlfriend ko mag sulat ng long messages. Thinking about it now parang grabeng pasasalamat ko kay Lord na kahit sa dami ng trials and problems na ibinibigay nya sa amin eh wala paring sumusko sa aming dalawa. Maybe we were just meant for each other I guess. Then comes my birthday, simple lang pero eto sya nag effort muli at binilhan ako ng cake, tapos isang container na full of chocolates and short messages written on a paper. Ako etong si boyfie kilig na naman dahil nadagdagan na naman yung matatamis na alala naming dalawa.
So months passed again and napapansin ko na di na sya ganung ka sweet sa akin katulad nung mga early months ng pasasama naming dalawa. Pero syempre hindi ko naman na pinapansin yun dahil naging komportable narin kami sa isa't isa. Halos lahat ng alam nya alam ko and lahat ng alam ko alam nya. Alam ko naman bilang isang lalake kung ano-ano ang responsibilidad ko para sa kanya and yes naging maalaga ako, umintindi, nag mahal, at kung ano-ano pa kaya wala naman syang masasabing masama tungkol sa akin. At mapagmamalaki ko talaga kung gaano nya ako minahal at tinaggap like the way I did.
Alam nyu marami dyan na ang hinahanap ay isang "perfect relationship with that perfect someone" pero alam nyu hindi importante yun eh ang mahalaga maging perfect yung taong minamahal mo sa mga sarili mong mata hindi sa mata ng kaibigan mo o ng kung sino sino man. Dapat kaya mong tanggapin yung pagkatao nya and see every negative assets about her positively. Para sa akin yun ang isang perfect relationship yung kaya nyung tanggapin ang isa't isa no matter what hindi ba? Yung hindi mo ibabase yung pag mamahal mo sa kung gaano kaganda o kapanget sya, kung mataba o mapayat ba sya, kung matalino o hindi, kung mayaman o mahirap at kung ano-ano pa. When you guys understand the meaning of "loving someone unconditionally" dun nyu mahahanap yung meaning ng totoong pag mamahal.
Even I, myself consider our relationship perfect already, kasi walang pwedeng mag hiwalay sa amin dalawa. Pero dun ako nag kamali. Recently may binigay sa amin na trial si God na hindi naming nalagpasan pareho. We were in an argument, gusto nya makipag cool-off and because of anger I told her why shouldn't we just end this now? I told her I'm willing to end this now so it's up to you and she said ok. That's it. After a while I told myself what have I done? Sinabi ko sa sarili ko na ang tanga ko hindi ko pala kayang talikuran yung pinagsamahan naming dalawa so I told her that I'm sorry and that I love her. Pero this time hindi nya na ako mapatawad like the way I did everytime she makes a mistake. PInili nyang tapusin na lang even with me being loyal and loving to her. She just said that the reason behind it was "sawa na ako". I always blame her everytime we have an argument and that I'm always right and she's always wrong. She was tired of me blaming her for everything. She broke up with me recently lang 2 days before our 15th Monthsary on 6th January, 2016.
After all this time thinking na masaya na kami sa isa't isa na kahit marami kaming nalalagpasang trials eh ok na ang lahat yun pala hindi. Syempre masakit dahil she chose to end everything and talikuran lahat ng pinag samahan naming for 15months dahil sa simpleng rason na "sawa" na sya and that she had enough. I always ask myself kung ano ba ginawa kong mali? I also asked God why now? Bakit hindi nya ako mapatawad like the way I did everytime she makes a mistake? Kung bakit ikaw Lord kaya mong mag patawad pero sya hindi na? Kung bakit hindi na lang kami nag hiwalay ng mas maaga kung eto rin pala hahantungan ng pag sasama naming ng hindi na dumami yung maliligayang araw na kasama ko sya.
Wala pang 2 weeks ang nakakalipas nung nag break up kami and I noticed na meron na syang boyfriend na bago. Thinking that hindi sya ganung kababaw, paanong ngyari yun? I refuse to acknowledge the fact na dahil dun sa guy pero baka nga dahil dun na rin? Tinulak na rin ng matatamis na salita nung lalake kaya nabulag yung girlfriend ko at tuluyang nakipag hiwalay sa akin na kahit alam nya naman mismo na kaya pa naming ayusin to like the way we used to in every problem that we have. Gabi gabi para akong minumulto ng mga memories namin while we were still together. Ang hirap matulog sa gabi minsan, inaabot ako ng 1hr+ dahil lang kakaisip sa kanya and sa mga masasayang memories na kasama sya. May mga instances na napapanaginipan ko sya, at dun sa panaginip ko masaya na ulet kami dahil napatawad nya na ako, nag tatawanan at nag lalambingan and all of a sudden magigising ka at iiyak ka dahil panaginip lang pala.
Ako siguro yung nag mahal ng sobra kaya ngayon ako rin yung mas nasaktan dahil wala na sya. Sa buong relasyon naming kung sa tingin mo hindi ako umiiyak like the way you did pag nag aaway tayo nag kakamali ka kasi kahit ako ayaw kong nakikitang nasasaktan ka and it breaks my heart knowing that I'm the reason behind every tear you shed. All I did was to be a good boyfriend you could ever had. I respect you, never kita pinag buhatan ng kamay dahil hindi ko kayang saktan ka alam mo yan. Kung mag away tayo alam mong verbally lang at hanggang dun lang. Naging loyal ako sayo, minahal ka ng sobra sobra to the point na handa na akong ibuwis ang buhay ko anytime para sayo. Mas pinili kong talikuran mga kaibigan ko lalo na yung mga babae dahil sabi mo nag seselos ka. Mas pinili kong mag laro na lang ng computer games kesa sa laruin ang feelings mo at mambabae. Sinunod kita sa lahat ng bagay at dahil dun umikot yung mundo ko dahil sayo. You were the reason kung bakit masaya ako araw-araw. You were the reason kung bakit lagi akong naka ngiti tuwing gigising ako dahil alam kong tatapusin ko ang araw ng kasama ka. You were the reason kung bakit naging isang mabuting tao ako. At higit sa lahat you were the reason kung bakit kita minahal ng buong puso at dadamin.
Hanggang ngayon umiiyak ako dahil hindi ko talaga kayang talikuran lahat ng pinag samahan natin pero sana mapatawad mo ako sa mga ginawa kong mali while we were together. Sana maging masaya ka sa bagong mong ka relasyon ngayon. Kasi all I ever wanted was for my princess to always be happy kahit na ako yung nag durusa. Ang sakit isipin na ibang lalake na yung mag papasaya sayo. Sakit isipin na minahal kita ng totoo tapos mababaliwala lang din pala ang lahat. Minsan mag tatanong sila lola, "Kamusta na kayo ni ....?" Hindi ko na lang masagot ng deretsyo kasi ayoko aminin na wala na tayo at dahil di ko rin matanggap na ngyari to.
Sabi nga ng kaibigan ko ikaw yung klase ng babae na hindi dapat iniiyakan eh pero dahil minahal na rin kita I refuse to see kung ano yung mali sayo. Hanggang ngayon in-love parin ako sayo. Pero sabi nga nila kaylangan ko na daw mag move on kasi sinasaktan ko na lang yung sarili ko. Alam mo nag sisisi ako, sana pala mas pinahalagahan kita while you were with me. Sana mas inintindi kita kahit na ikaw yung may mali. Sana mas pinadama ko kung gaano kita kamahal para hindi ka nag sawa. Kung maibabalik ko lang yung dati alam mong I will dahil sobrang mahal kita. Ngayon na nawala ka para akong bata na umiiyak palagi na para bang inagawan ng laruan at pilit na hinahanap yung nawala sa akin dahil alam ko I will only find peace kapag nasa kamay na ulit kita.
Hindi na ako magiging bitter sayo dahil parang hindi naman kita minahal nun. Pero sana mabilisan yung pag mo-move on ko sayo dahil ang sakit sakit nito para sa akin na isipin ka araw-araw. Gigising ka na wala ka ng sasabihan ng "Goodmorning labs alam mong mahal na mahal kita sleep ka lang dyan ah then text me when you wake up kasi miss na kita. Iloveyou mwuah! " tuwing umaga at "Goodnight lalabs kong mataba pero love na love ko. Thank you sa day always remember na nandito lang ako and that I love you so much mwuah pakabait always! " tuwing gabi. Sa lahat kasi ng ginagawa ko ikaw yung naaalala ko and parang inaasar ako ng tadhana na para bang wag ka na muna mag move on dahil eto tignan mo muna yung picture nyu nung masaya pa kayo mag dusa ka muna, parang ganun? Ma mimiss ko yung times na bibili ako ng flowers para sayo oh kung ano mang bagay na alam ko mag papasaya sayo. Mamimiss ko yung katakawan mo dahil ikaw yung reason kung bakit ubos lagi pera ko. Hindi ko naman sinusumbat pero mamimiss talaga kita. But I have no choice but to let you go and be happy para sayo and to just move on and continue my life without you.
Ganito pala yung feeling ng masaktan at iwan ka ng mahal mong mahal na mahal mo pa.Kaya sana guys kung nasa isang relasyon kayo always learn to forgive each other, never ever forget to understand each other and always love each other every single day. Wag na wag kayong mag sasawang intindihin ang isa't isa dahil kung perfect relationship ang hanap nyu well AYAN NA YAN ang gagawin nyu na lang is make it last and to love each other unconditionally. Wag na kayong mag hahanap pa ng iba unless ikaw yung tipo ng lalake/babae na walang respeto sa sarili at kapwa at ang hanap lamang eh makatikim ng iba't ibang putahe. Wag nyu laging kakalimutan na mag pasalamat sa Diyos kung ano man ang ibigay sayo dahil sa bawat pangyayari sa buhay natin eh mayroong rason sa likod ng mga ito. Always cherish your partner dahil kahit na masaya kayo ngayon, you never know na baka bukas or sa isang araw eh mawala na yan sayo.
As for me pipilitin kong mag move on na lang and to have time for myself kasi nung kami pa halos ibigay ko na lahat ng oras ko kaka intindi sa kanya. Hindi na rin muna ako papasok sa isang relasyon dahil first ever serious relationship ko to and I was expecting that we will stay in love with each other for a long time but unfortunately na bikitima ako ng "FOREVER". Wala daw talagang forever nasa sa inyo yan kung patatagalin nyu ng forever o hindi at kung tumagal man kayo hanggang sa pag tanda nyu then congratulations, sadly yung sa akin sumuko eh kahit na mahal na mahal ko pa. Nandito parin naman ako for her hindi ko sinasara yung sarili ko to the possibilities na maging mag kaibigan ulet kami, kung need mo ng help in anything I'm always here naman, pero kung ibigay man ni lord yung chance na mag kabalikan kami siguro ibang storya na yun.
So ayun lang thank you for reading my story, nakakahiya i-share pero need ko ng ilabas lahat ng nararamdaman ko dito para naman lumuwag na yung pag momoveon ko sa kanya. Oh and if ever na mabasa mo to kasi alam ko mahilig kang mag basa basa ng stories dito, I'll still pray for you and that even after all the things we've been through I will still accept the person you've become today. Siguro eto na yung huling effort ko sayo, etong long message na to. Nakakaiyak pero I can finally say I'm done. Thanks for everything, you were both a blessing and a lesson to me and I promise mas magiging matatag ako. Always pray and always be happy princess."Ken
2014
Other
FEU Tech (FIT)
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
De TodoThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.