Timpi
Timpi? Hindi lang sa pag-ibig naiaapply yan na kagaya ng pagtitimpi mo sa ugali nya dahil mahal mo siya. Wala akong lovelife e so hindi to related sa kakornihang pag-iibigan.
Timpi? Yung tipong gustung gusto mo ng mag murahin yung barker o minsan yung driver dahil sobrang sikip na nga ng sinasakyan mong jeep, pasakay parin ng pa-sakay. Naknamputa! Palibhasa hindi sila yung nakakaramdam ng sikip. Sarap pag papakyuhin sa mukha eh. Kaso iniisip mong kapag inaway mo, baka pababain ka pa. Mas hassle dahil mag aantay ka ulit ng panibagong masasakyan. Sayang oras. Sayang pagod. Kaya ayun, tiyaga lang sa mala-sardinas na jeep.
Meron talagang mga pangyayari sa buhay na kailangan mong mag timpi at mag tyaga.
tuna
2013
Other
FEU Tech
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
RandomThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.
