PLEASE ADMINS POST THIS!! PLEASE PLEASE PLEASE

740 6 0
                                    

PLEASE ADMINS POST THIS!! PLEASE PLEASE PLEASE

"Isang gabi, Sunday yun. Nag-away tayo ng sobra. Oo mali ako nun dahil masyadong matalas ang bibig ko. Napush kita sa limits mo na magalit din sakin ng husto. Hanggang sa nalaman ko na gumawa ka pala ng Tinder account nun. Una nagsisinungaling ka pa na nakita mo lang sa Instagram yung picture ng babae na nakita ko dyan sa cellphone mo. Lie ka ng lie pero in the end nalaman ko din ang lahat.

Oo humingi ka ng sorry. Sinabi mo sakin na nagkamali ka. Pinatawad kita. Nangako ka na hindi mo na uulitin. Pero biglang naulit na naman. Ibang babae naman ngayon. Una sabi mo kinocomfort ka lang niya kasi nga nag away tayo. Pero kinita mo pala in person. At nagyaya ka pa ng sex ha? Kinonfront kita non, tapos sabi mo hindi totoo yung sinabi nung babae sakin. So syempre naniwala ako sayo, mahal kita eh. Hindi ko alam kung kanino ako maniniwala nung mga oras na yon. Pero mas pinili ko padin na paniwalaan ka.

Hanggang sa nagbago ka na. Naging sweet ka sakin. Loyal. Kaya masayang masaya ako. Umabot ng isang buwan yun ha. Pero isang gabi, Sunday din yun. Galing tayong mall at masama pakiramdam ko. Nahihilo ako at medyo mainit na ang temperature ko non. So sabi ko sayo if okay lang samahan mo ako sa bahay. Sabi mo sige. Pagpasok natin ng kotse nakita mo medyo maaga pa pala. Sabi mo gusto mo munang maglaro ng basketball. Oo mali ako at nag inarte ako na pinilit kitang wag maglaro dahil nga hindi maganda pakiramdam ko. Pero in the end nauwi din sa basketball mo. Sumama na lang kasi ako sayo. Kasi nga gusto kitang makasama.

Pagkadating natin sa court, sarado. So sabi mo gym na lang. Wala naman ako magagawa diba? Kaya sige, go lang. Nagpalit tayo ng damit tapos dumerecho sa gym ng condo niyo. Nag treadmill ako, nag weight lift ka. Biglang nagtext si mama na wag ako magpapagabi at kung nilalagnat pa daw ba ako. So nagpaalam ako sayo nun ng maayos tapos lumabas. Sabi ko wala akong pamasahe, napilitan ka tuloy lumabas ng gym. Hanggang sa nagalit ka kasi di ka na nakapag gym. Hinatak kita pabalik pero pumipiglas ka. Ginrab ko yung damit mo dahil masyadong malakas ang force mo kumpara sa akin. Hindi ko sinasadyang dumaplis yung kuko ko sa leeg mo. Na-scratch kita. Nag sorry ako. Sorry ako ng sorry. Nadala ako ng galit ko kasi ayaw mo pa bumalik at wala naman akong ginawang mali.

Naalala mo ba mga sinabi mo sakin nung gabing yon?

""Ayaw kita makasama!""
""Wala akong pake!""
""Ano ngayon kung nilalagnat ka? Doktor ba ako?!""
""Ang tanga tanga mo kasi!""
""Ang bobo mo!""
""Inutil!""

Hanggang sa pinilipit mo kamay ko. Tinutulak mo ako. Dinuduro mo yung ulo ko. Sinisigawan mo ako na para bang papatayin mo ako. Sinusuntok mo ako sa tyan ko. Kinurot mo ako sa leeg ng apat na beses. Again, hindi ko sinadyang ma-scratch ko yang leeg mo. Pero inulit ulit mo sakin. Alam mong mataba ako pero pinahabol mo pa ako sayo paakyat ng third floor. Tuwang tuwa ka nga siguro pag nakikita mong nahihirapan ako eh. Sabi mo nga diba, wala kang pake?

Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Hanggang sa naging maayos tayo. Sorry kasi ako ng sorry eh. Nag sosorry ako sa bagay na alam kong mababaw lang di katulad ng mga ginawa mo sakin pero okay lang kasi mahal na mahal kita.

Martyr na kung martyr. Tanga na kung tanga. Mahal kita eh. Sobra sobra. Kahit na ilang beses kang tumitingin sa ibang babae, okay lang sakin. Kahit na ilang beses mo ako pinagsalitaan ng mga masasakit na salita, go lang. Dedma lang. Kasi nga mahal kita. Kahit ilang beses na sinabi ng mga kaibigan ko na bitawan na kita, hindi ko sila pinakinggan. Kasi alam ko na magbabago ka pa. Kasi hopeful ako eh. I see the good in people.

Sabi mo pa nga diba birthday wish mo sana mawala na tayo. Minahal kita ng sobra. Mas pinili kita kesa sa pamilya ko. Pero bakit ka ganyan? Asan na yung pinangako mong pagbabago? Nasaan na? Hindi naman ako na-inform na may expiration date din pala. Ngayon magdadalawang taon na tayo. Sana naman maging masaya na tayo sa pangatlong taon natin. Nakakapagod na din kasing maghabol at umiyak eh."

MARTYR NIEVERA
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon