SPG
Bullied the bullies
Naalala ko noong grade 5 ako. Madalas akong binu-bully ng mga kaklase kong hunyango. Bakla daw ako dahil lang malambot akong kumilos noon at tahimik. Binubugbog nila ako, kinukulong sa cr at madalas kinukuha yung baon ko.
Isang beses last day ng klase at mag babakasyon na expected kong kukunin nanaman nila baon ko. Baon ko pa palagi nun sandwich at zesto. Naisipan kong gumanti.
Gabi palang pinlano ko na ang gagawin kong pag hihiganti. Bago ako pumasok, itinapon ko yung palaman ng sandwich ko na ham at pinalitan ko ng tae ng aso. Tae ng aso namin na naka tali sa likod ng bahay namin. Pinipi ko na parang nutella.
Recess- Sinadya kong mag pakita sa kanila nung recess para makuha nila ang master piece kong dog shit sandwich. Gaya ng ginagawa nila madalas tuwing makikita nila ako, kinuha nila. Sinundan ko pa sila non sa canteen, pinaghatian ang tinapay at sarap na sarap na kinakain yung sandwich ko.
TAWA AKO NG TAWA HABANG SILA SARAP NA SARAP. HAHAHAHAHA
Dalawang kagat narealize nila yung amoy at sabay sabay silang napa ngiwi at sumuka! HAHAHAHAHA!!!
And their faces were priceless! 😂
PS: Hindi nila ako binalikan nun ewan ko kung baket. Hahaha!
ganti lord
2015
Other
FEU Silang

BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
RandomThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.