Cock blocker
Habang nasa FX ako meron akong nakatabing lalakeng taga San Beda na galaw palang eh sobrang gwapong gwapo na sa sarili. Well, gwapo naman talaga kaya hambog. Pero 'di umubra.
V
Siya: Hi.
Me: (stares)
Siya: Hi! Anong name mo?
Me: Bakit?
Siya: Gusto ko lang malaman.
Me: (wow ha) Bakit nga? Anong purpose?
Siya: Uhmm. Gusto lang kita makilala. Bawal ba?
Me: Bakit mo 'ko gustong makilala?
Siya: Ang ganda mo kasi eh.
Me: Oh tapos?
Siya: Ang sungit mo naman.
Me: *rolls eyes*
After 15 mins
Siya: Malapit na akong bumaba. Pwede bang makuha kahit number mo nalang?
Me: Bakit kailangan mo ng number ko? Kilala ba kita para bigyan ko ng number ko?
Siya: Ok. Gusto kitang makilala kasi I am hoping na papayag kang ligawan kita. Kasi maganda ka. At ayokong palagpasin ang pagkakataon na 'to.
Me: So porket maganda ako na sabi mo ay liligawan mo na ako? Kung panget ako papansinin mo ba ako? Tatanungin mo ba ako ng kung anu-ano ngayon? Kukulitin mo ba ako?
Siya: Okay. It's not about the looks. Naramdaman ko yung spark nang makita kita. Yun ang main reason.
Me: Oh tapos? Kanina sabi mo lang dahil maganda ako, ngayon it's not about the looks. Ngayon palang sinungaling kana. Ano na?
Siya: Gusto nga kitang ligawan. Maging girlfriend!!
Me: Sorry. I'm not into boys. I'm lesbian.
Siya: *sigh* *natahimik* *bumaba*
I'm not a lesbian. Sinabi ko lang yun for him to fuck off. The truth is, I'm not into pretty boys na kagaya nun. Masyadong presko. Taas ng tingin sa sarili na makakakuha agad ng number ng babae porket may itsura. Yan yung mga tipo ng lalake na utang na loob mo pa kasi naging boyfriend mo siya. Sakit sa ulo kapag sobrang gwapo. Daming aaligid. Daming temptasyon. Paiiyakin ka lang nyan.
Siguro kung sa ibang babae, oo agad yun kay pareng pogi kasi 10/10 sa looks eh. Okay na ako dun sa di ganon ka-gwapo pero matalino. Yung kayang sumagot ng 30 items of Quantum Physics questions for 30 seconds. O wizard sa Calculus or Trigo. Ayaw ko din sa malakas ang loob manghingi ng number in public. Kapag ganyan daw kasi, sanay na mangulimbat ng mga number ng babae. Gusto ko yung torpe. Di yung pa-cool kid. Mas mahalaga talino kasi di lumilipas at lifetime nagagamit,
e mukha di ka mapapakain niyan in the future.
pihikan
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
![](https://img.wattpad.com/cover/65963950-288-k25444.jpg)
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
AcakThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.