Tattoo

1.2K 12 0
                                        

Tattoo

Introduksyon: Isa akong Propesor sa isang prestihiyosong Unibersidad na kasama sa Limang pinakamagagaling na Unibersidad sa buong bansa o yung tinatawag nilang Big Five.

Sa umaga ako'y propesor pero pag sapit ng gabi, ako'y isang bokalista ng rockband na gumi-gig sa iba't iba bar sa Maynila. Marami akong tattoo na itinatago ko sa loob ng aking barong tuwing papasok ako ng Unibersidad na pinagtuturuan ko dahil ito'y bawal pero tuwing gabi, nilalantad ko ang mga ito.

Noong kolehiyo ako, ayaw ko talaga ng kurso ko. Gusto kong mag Fine Arts. Gusto kong mag pinta, gumuhit, ilahad ang emosyon ko sa pamamagitan ng pangkulay at papel ngunit tinutulan ito ng mga magulang ko dahil wala raw itong patutunguhan. Kalaunan, naisip ko rin na maganda narin ang naging desisyon kong sundin sila kaya heto ako ngayon.

Ang point ng post na ito ay ang pag hayag sa inyo na hindi nasusukat ang pagkatao ng isang tao sa panlabas na anyo. Marami akong tattoo. Marahil kung makikita ninyo ako sasabihin niyong excon ako, drug addict o masamang tao. "Stereotype" na ang lahat ng may tattoo ay kriminal at walang ginagawang mabuti. Pero sinong makapag sasabi na isa akong Propesor ng Pisika na nagbabahagi ng aking kaalaman sa aking mga estudyante at kapwa guro?

H'wag tayong manghusga bagkus alamin muna natin ang katauhan ng ating kaharap. Hindi lahat ng may tattoo ay masamang tao. Hindi rin lahat ng walang tattoo ay mabuti.

Physics Prof
199*
Other
Other

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon