Usapang lalake

731 7 0
                                        

Usapang lalake

"Para sa mga babae, akala nila ang madalas pinaguusapan naming mga lalake eh boobs, butt at kung anu-ano pang kamanyakan. Aaminin kong oo, minsan ganyan nga pero madalas? Kayo ang pinag uusapan namin. Parang ganito..

Me: Pre nakipag break nanaman sakin. Parang ayoko na ngang habulin eh. Paulit ulit nalang. Nakakasawa na.

Tropa: Pare, mahal mo pa ba?

Me: Oo pero nakakainis na talaga ugali niya.

Tropa: Pare, kung mahal mo hahabulin mo. It doesn't matter kung tapak na tapak na ego mo kakahabol sa kanya. Mas importante naman siya kesa diyan diba? Kung pangit ugali niya tiisin mo, minahal mo eh. Kausapin mo siya tungkol sa problema mo sa kanya para maayos niyo pareho. Accept the differences pare. Kung pangit ugali niya sayo siguradong may pangit na ugali ka ding ipinapakita sa kanya. Communication is the best solution pre. Kapag may ibang lalake ang sumalo diyan ikaw ang talo sa huli.

Me: Sige pare. Tatawagan ko na mamaya. Salamat!

Minsan si tropa din ang may problema sa lovelife. Ex. Nag away sila ng gf niya dahil sa maliit na bagay, nagpapaturo manligaw, nagpapatulong mangharana, syempre nandito ang tropa para mag advice at tumulong.

Hindi puro boobs at nonsense ang topic namin. Madalas ang mga problema sa inyong mga babae ang pinaguusapan namin lalo na kapag lasing kami. Minsan nga nag iiyakan pa kami sa isa't isa dala ng sobrang broken hearted at kalasingan eh. So yun. Sana naintindihan niyo lang."

Lalake
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon