"""Single Mom""

1K 4 0
                                    

"""Single Mom""

Hi sa Daddy ng baby ko, na tinalikuran at kinalimutan kami smile emoticon

Naalala ko nung na delay ako ng mens ko, sabi ko sayo natatakot ako hindi ko alam gagawin ko kasi lagot ako kala mama at sa kuya ko, sabi mo ""andito lang naman ako eh"" nung 2months nakong preggy, nag break tayo nambabae ka at ka-block ko pa! Galit na galit ako sayo, pero nag hahabol pa din ako kasi nga mahal kita mahal ko kayo ng baby naten, pero ang sabi mo sakin. ""Tigilan na kita kasi di mo nako mahal. Magkano ba kailangan mo ipalaglag mo yan"" Umiyak ako hindi ko alam gagawin ko nasaktan ako ng sobra sa sinabi mo. Hindi ko inexpect na sasabihin mo yun sakin, since galing ka sa ""Good family"" edi binigyan kita ng space, sa sobrang stress ko araw araw ako dinu-dugo halos hindi ako makapasok sa school, dahil hinang hina ako. Awang awa sakin mga kadorm ko kasi bakit ganon daw nangyayari sakin. So mag Prelims na non, pinadalan ako ng mama ko ng pang bayad sa Tuition, na hindi ko pinang bayad sa school dahil kailangan ko mag pacheckup hindi alam ng mama ko na buntis ako. Hindi nako umasa sayo simula nung sinabi mong ipalaglag ko siya. Nung nag pacheckup ako naubos yung pang bayad ko ng tuition sa Gamot Checkup Laboratory Ultrasound.. Habang ikaw nag papakasaya sa Inuman Dota at Pang babae mo, at sa mga kaibigan kong plastik na tinotolerate ka sa Kabobohang ginagawa niyo! After non 4months akong dinudugo, inisip ko na baka hindi siya para sakin dahil ganito nangyayari samin, nag simba ako nag pray ako sinabi ko na ""God kung hindi siya para sakin kunin mo nalang siya, pero kung para sakin siya tatanggapin ko po siya ng buong buo kahit pinabayaan siya ng tatay niya""

Hanggang sa Umabot siya ng 5Months Hanggang 7Months!!! Nag papacheckup ako ng hindi siya kasama nakikita ko yung mga mommies sa tabi ko na kasama mga daddy ng baby nila, iniisip ko na ano kaya kung kasama ko rin siya mag pacheckup masaya kaya kami ngayon?? Hanggang sa One day, dumating sa Point na Nalaman ng Mommy niya na binabalikan niya ko, ang sabi ng mommy niya.... ""BAKIT KAILANGAN BALIKAN MO PA YAN!? EH, WALA NAMANG PAHALAGA SA SARILI YAN WALA NAMANG KWENTANG TAO YAN"" Nastress ako sobraaaaa!!! Gusto ko mag pakamatay kasi hindi ko rin masabi sa mga kapatid ko yung sitwasyon ko at sa magulang ko, kasi umaasa pako na babalik siya sakin umaasa ako na mabubuo kami, umaasa ako na magiging okay din lahat. Hanggang sa may nag chat sakin common friend namin, sabi niya ""Huy may Girlfriend na si ano ha!?"" Sabi ko ha? Ano!? Gf?! Sabi ko eh putcha! Wala pa nga kaming Closure, pano nako pano na kami?

Hanggang sa mabaliw baliw ako, kinakausap ako ng mga friends ko na kaya mo yan, andito lang kami. Alagaan mo si baby. ""makakarma din yan"" Nilakasan ko nalang loob ko, lumaban ako sa stress at depressed. Ngayon Hindi ko masabing Okay na Okay nako, pero pinipilit ko para samin nung baby ko. Ang dami kong kailangan baguhin pra samin ni baby ko, at sinisigurado magtatapos ako, after all ng mga panlalait ng nanay niya sakin.

PS- Sa mga common friends namin ng Ex ko. Tandaan niyo yang ginawa niyo sakin. Tandaan niyo lahat yan pinagdadasal ko nalang kayo araw araw.

At sa EX KO! Hoy! Kung mambubuntis ka siguraduhin mong may Balls ka!!! Puro ka yabang puro ka papogi puro ka Buga!!! Wala ka namang Balls!!!

Thankyoooou! Tams! Seeyou soon!"

Belle
2015
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon