PAYAT
Dahil may nag confess dito about sa struggles ng pagiging mataba, mag co-confess din ako.
Payat ako. Payat ako dahil hindi ako mataba. Payat ako hindi dahil wala akong malamon sa bahay. Payat ako hindi dahil nag sha-shabu ako, anorexic, o lumaki sa mahirap na pamilya. Payat ako hindi dahil may bulate ako sa tyan. Payat ako kasi ganito na ako ipinanganak. Payat ako kasi dahil din sa metabolism ng pamilya namin na kahit anong kain ay payat parin. Kung anong idinali ng pag taba ng iba ay ganoon naman ang ikinahirap para sa amin.
Sanay akong laitin at tawaging malnourished, lampa, skeleton, tatlong ubo nalang at iba pa. Bata palang din ako, naririnig ko na yun at manhid na manhid narin ako. Hindi kagaya ng matataba, madalas kaming mga payat ang dehado sa away. Madalas sinasaktan. Madalas minamaliit.
Ano ba namang laban ng batang payat sa mga malalaki ang katawan at matataba? Kahit matanda na minamaliit parin, "wala yan. Payat payat nyan eh." At para sa mga babae na nilalait na "Payat ka, hindi ka sexy! Para kang poste!"
Kadalasan payat din ang hindi nabibiyayaan ng hinaharap at likuran. (Boobs at pw*t). Literal na kapatagan.
Kahit payat ako, hindi rin ako nanlalait ng matataba dahil alam kong hindi rin kagandahan ang katawan kong walang korte at hugis kawayan. Pero kahit payat ako? Proud ako. Proud akong nasusuot ko ang mga damit na gusto ko at hindi nahihirapang mag hanap ng kakasya dahil lahat ay kasya kahit damit ng bata.
Kaso bilang lalake na kilala bilang palaban? Hindi sapat na tumanda kaming payat dahil lalo kaming mamaliitin at kakayanin ng kapwa namin lalake. Kaya kinakailangang mag gym o uminom ng food supplement para kahit papano lumaki ang katawan. Hindi para sa paningin ng mapanghusgang lipunan pero para sa aming kaligtasan at depensa.
Payat ako at hindi ko yun ikinakahiya. Payat ako at iskolar. Payat ako at mahal ako ng magulang ko. Payat ako at may love life.
Payat
2013
Institute of Tourism a
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
AcakThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.
