Pure sarcasm
"FEU SECRET FILES, POST MY STORY PLEASE!! PLEASE!!
Salamat sa pag-appreciate sakin nung tinanggap kita pagkatapos mo kong lokohin. Salamat sa mga galit mo pag nag-oover think ako. Salamat sa mga pangako mong oras na hindi ko naman natatanggap. Salamat sa oras na binibigay mo sa mga games kesa sa pagrereply sakin. Salamat sa second chance na to. Salamat sa pag-untog sakin. Salamat sa pag-paparealize sakin na hindi ko deserve to. Salamat sa pag-papamukha saking hindi ikaw yung tamang tao.
Sana lang, hindi na 'to maranasan pa ng ibang taong mamahalin mo. Kasi hindi madali, masakit. Nakakadurog ng pagkatao.
Salamat ulit. "
Thirthy one
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
RandomThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.
