Bestfriend
Grade 1 tayo nun nang magkakilala tayo. Pareho tayong Perez ang surname kaya tayo ang pinag tabi. Nakita mong wala akong kinakain nung recess. Wala akong baon nun kasi mahirap lang kami. Kaya siguro inalok mo ako ng baon mong pretzel, kumuha ako. At dun na nagsimula ang pagiging magkaibigan natin.
Ikaw ang nag turo sakin maging matapang. Bakit? Naalala mo pa lahat ng mga memories natin nung Elementary? Palagi akong nabu-bully at ikaw ang parating nagtatanggol sakin. Araw araw mong sinasabi sakin na maging matapang ako para hindi na ako masaktan ng iba. Kaya hindi nag laon naging tayo ng dalawa ang pinaka matapang sa buong classroom. Tayo na ang nambubully. Palagi tayong tandem sa lahat. Tandem rin tayo palagi sa Principal's office.
Highschool. Nag decide tayo na pumasok pareho sa FEU Diliman. Pangarap mo kasing maging basketball athlete diba? Ako kasi wala akong hilig sa sports alam mo naman yun. Chess lang ata ang alam kong laro. At puro libro lang ang pinagkakaabalahan ko bukod sayo. Kaya ayun, sa sobrang determinasyon mo sa pangarap mo nakapasok ka. Sobrang saya mo nun! Kitang kita ko kung paano ka umiyak sa sobrang saya. Niyakap mo pa nga ako. Tapos nanlibre ka pa. Naalala mo paba?
Highschool tayo naging athlete ka. Palagi kitang pinapanood. Ichini-cheer. Ngingitian mo pa ako tuwing nakakashoot ka. Kaso di nag tagal... Sa classroom nalang tayo nagkakasama at minsan absent ka pa. Sobrang busy mo sa mga practice, sobrang busy mo sa kanila. Birthday ko nun naghanda si mama, ininvite kita pero sabi mo hindi ka makakapunta kasi may practice ka. Pero nakita kita kasama mo lang mga bago mong barkada. Mga barkada mong teammates mo sa basketball. Ang sakit sakit alam mo ba yun? Birthday ko yun eh. Mahalaga yun para saken at alam mo naman yun. Bakit kailangan mong magsinungaling? Taon taon hindi ka nawawala dun pero wala na nga siguro akong magagawa. May mga bago kanang kaibigan.
Simula nang araw na yun hinayaan na kita. Siguro nga hindi na tama na sayo lang ako naka focus. Naghanap ako ng mga bagong kaibigan pero sa puso ko ikaw parin ang nag iisa. Nabalitaan ko naka away mo ang pinaka magaling sa team niyo at kahit isa sa mga kaibigan mo iniwanan ka. Nakikita kitang kumakain mag isa. Umuuwing mag isa. Nawalan ka ng mga kaibigan. Iniwanan ka ng mga inakala mong tunay mong kaibigan. Kaya siguro naisipan mo akong lapitan. Kapag kinakausap mo ko iniiwasan kita. Kapag lalapit ka aalis ako. Siguro nga naramdaman mo ng nagtatampo ako sayo dahil sa pambabalewalang ginawa mo. Patapos na ang 3rd year nilapitan mo 'ko. Humingi ka ng sorry. Sabi mo miss mo na ang bestfriend mo. Pinatawad kita nun. Nag yakapan pa tayo.
Bumalik ulit yung bestfriend na hindi ako iniiwan. Tayo na ulit ang laging tandem. Bumalik na ulit yung Yin Yang friendship. Hanggang sa naka graduate tayo ng highschool sa awa ng Dyos. Nag dedecide tayo nun kung saan mag co-college, pero dahil gusto mong mag FEU Manila sinamahan kita. Dito rin ako nag aral kasi ayaw kong iwanan ka kahit nakapasa na ako ng UPCAT nun.
Freshman, naninibago tayo. First day palang nagrereklamo kana kasi tambak na assignments agad. Pero nandyan ako para i-motivate ka at iparealize sayo na college na tayo at iexpect na hindi na kagaya ng dati. At ayun, motivated kana. Nag try out ka sa basketball ng FEUMBT. Sabi mo ipagdasal nalang kita kasi hindi ako makakapunta, may family reunion kasi kami nung araw na yun. Kinagabihan nag text ka. Sabi mo, kita tayo. Iyak ka ng iyak sa balikat ko kasi hindi ka nakuha. Sobrang sama ng loob mo nun. Nag aya kapa ng inuman. Inadvicean nalang kita na mag focus ka nalang sa acads pero hindi mo parin natanggap. Hanggang sa nalasing ka nalang ng gabing yun at hinatid kita sa bahay niyo.
Second year, bigla mo nalang ako kinalabit sa Tayuman. May kasama kang babae. Sabi mo bago mong friend. Nag selos ako and at the same time, nasaktan.
Di nag laon, bumalik kana naman sa dati. Iniwanan mo nanaman ako. May nakikilala kana naman kasing bago na sasamahan mo. Pero ngayon, naging matured ako. Hindi ko ipinakita na nagtatampo ako. Naghanap ako ng mga bagong kaibigan. Nasanay ako nang wala ka. Hanggang sa isang araw sa classroom tuwang tuwa kang ibinalita sakin na kayo na. Kayo na nung babaeng ipinakilala mo sakin. Naka ngiti ako sayo pero yung puso ko durog na durog at kinukumbinsi akong umiyak pero buti nalang at matatag ako at hindi ko nagawa yun. Tumakbo ako sa CR at dun ko iniyak lahat. Ang sakit. Sobrang sakit.
Buong thirdyear palagi nalang kayong magkasama. Kahit saan, kahit kailan. Isang beses niyaya mo akong kumain sa labas at sobrang saya ko nun. Isang romantic restaurant. Pag dating ko kasama mo pala yung girlfriend mo. Gagawin mo lang pala akong thirdwheel at taga take ng pictures nyo. T*ngina parang unti unti akong namamatay habang tinitignan ko kayo. Ang sakit palang mag mahal sa taong iba ang mahal.
Sinubukan kong mag move on. Nag aral ako. Nag focus sa pag aaral. Pinilit kalimutan ang nararamdaman ko para sayo. Nakakilala ako ng mga kaibigan na kagaya ko. At sakanila, masasabing kong medyo napantayan ang saya ko. Sayang nararamdaman ko kapag kasama ka.
Fourth year, graduating na. Sobrang hectic ng schedules. Tambak na requirements. OJT, Thesis, Case studies at mga exams. Habang nag rereview ako biglang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan mo. Napa wow ako kasi naaalala mo pa pala ako. Ala una ng madaling araw yun. Tinanong mo ako kung pwede ba tayong mag kita kasi may problema ka. Nag dalawang isip ako. Magpapaka tanga parin ba ako? Pero nangibabaw parin ang pagmamahal ko. Nakipag kita ako.
Umiiyak ka. Iniwanan ka ng girlfriend mo at ipinagpalit sa iba. Iyak ka ng iyak sa balikat ko habang nag iinuman tayo. Hanggang sa bigla ka nalang nakatulog sa balikat ko.
Hinahaplos ko ang mukha mo habang binubulong na, "Sana ako nalang kasi. Hindi kita sasaktan. Matagal na kitang mahal at sana maramdaman mo yun. Sana may isang araw na marealize mong hindi lang kaibigan ang pwede mong maramdaman para sakin."
Bigla kang bumangon. Gising ka pala. Narinig mo ang lahat. Sinapak mo ako sa mukha. Tinitigan mo ako ng masama at parang diring diri sakin. Iniwanan mo akong mag isa.
Simula nun hindi kana nag paramdam. Nagkikita tayo sa school pero iniiwasan mo ako. Makikita mo ako pero magpapanggap kang hindi.
Marami kanang kaibigan ngayon at alam kong hindi mo na ako kailangan sa buhay mo. Pero sana marealize mo na hindi ko kasalanang mahalin ka. O kahit marealize mo nalang na isa akong naging mabuting kaibigan para sayo sa loob ng labintatlong taon. O kahit marealize mo nalang na hindi kasalanang maging bakla.
Yin
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
DiversosThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.
