1 year ago..
"1 f*cking year ago, I've cheated on her. Yes, you don't have to say it. I've been an assh*le. Nagpapakasaya ako sa kandungan ng ibang babae habang siya umiiyak mag isa.
But then, nung iniwan niya ako nag bago ako. Narealize ko kung gaano siya ka-importante sa buhay ko. Kung gaano ako ka-miserable kapag wala siya. Dun naman sa parteng yun malalaman ang kahalagahan ng isang tao diba? Kapag wala na siya. Kapag napagod na siya. At sa parteng yun ako nakapag reflect na magbabago ako at gagawin ko ang lahat para mapa-sakin siya ulit.
Ginawa ko lahat. Araw araw lumuluhod ako sa harapan ng maraming tao. Hindi inaalintana ang kahihiyan. Umiiyak sa harap niya habang siya dinededma ako at minsa'y sinasampal. Pero kahit minsan hindi ko naisip na sumuko. Sinuyo ko siya ng halos limang buwan. Nagkaroon siya ng bagong boyfriend. Harap harapan niyang ipinapakita na masaya siya sa bago niya. Hinahalikan at niyayakap niya sa harapan ko at wala akong magawa kundi umiyak. Pero kahit may boyfriend siya nung panahon na yun, hindi ako sumuko. Nagpatuloy parin akong suyuin siya. Nagmakaawa. Matulog sa labas ng gate nila ng parang aso kahit umuulan. Ilang beses narin akong pinagtabuyan at binugbog ng tatay niya. Ilang beses narin niya akong sinampal at pinagmukhang tanga.
Pero hindi ko naman siya masisisi diba? Kasalanan ko naman eh. Deserve ko ang lahat ng yun at alam kong kulang pa ang lahat ng ginawa niya para matumbasan ko ang mga luha nya noon. Karma ko na nga din siguro.
Pero matapos ang limang buwan na panunuyo, isang gabi nalang ang dumating at tinawagan niya ako. Pinapatawad niya na raw ako. Iyak ako ng iyak sa kanya sa tuwa. Abot langit ang pasasalamat ko kasi binigyan nya ako ng pangalawang pagkakataon. Ipinangako kong hindi ko na ulit siya sasaktan at lolokohin. Naging mabuti akong boyfriend para sa kanya. Lahat ng gusto at iutos niya sinusunod ko. Lahat ibinigay ko. Akala ko okay na ang lahat saaming dalawa. Pero...
Hindi pala.
I've found out that she's cheating on me. With different men.
Nang mahuli ko siya na may kasamang iba, naka ngiti pa siya sakin at para bang sinasabing "Alam mo na ngayon kung gaano kasakit lokohin?"
Tumakbo ako palayo habang umiiyak. Takbo lang ng takbo kahit hindi alam ang patutunguhan. Ang sakit pala. Ang sakit pala na akala mo okay na. Ang sakit makita at malaman ang isang bagay na hindi mo inaasahang gagawin niya. Siguro ganito rin kasakit ang naramdaman niya noon saakin. Ngayon alam ko na.
Durog na durog ako. Tangina! Durog na durog ako hanggang ngayon..."
tanga
2011
Other
FEU Tech
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
DiversosThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.