Simple lang ako

697 6 0
                                    

Simple lang ako

Pasensya kana ha. Pasensya kana kasi hindi kita mabilhan ng mamahaling regalo t'wing birthday mo. Pasensya kana kung pinitas ko lang sa tabi tabi ang bulaklak na naibibigay ko sayo. Gumamela, santan, sampaguita. Pasensya kana kung hindi ko afford bumili ng mamahaling tsokolate. Kung hindi kita masorpresa sa harap ng maraming tao. Kung hindi ko mabili yung mga gusto mo. Ni hindi kita malibre kapag magkasama tayo.

Siguro naiinggit ka sa mga nakikita mong mga pictures ng relationship goals sa facebook. Naiinggit ka kasi yung mga lalake dun nabibilhan nila ang mga girlfriend nila ng mamahaling gamit. E ako? Wala. Pasensya kana kasi wala akong pera. Pasensya kana dahil simpleng tao lang ako. Nakapag aral lang naman ako sa FEU na higit 60,000 ang tuition dahil scholar ako diba? Alam mo namang hindi ako mayaman e.

Pero nagpapasalamat ako kasi naiintindihan mo ako. Hindi ako nagkamali sa simpleng babaeng napili ko.

Kaya kahit sa fishballan lang kita kayang dalhin masaya kana. Kaya kahit mahirap lang ako, pumupunta ako sa bahay niyo para patunayan ko ang sarili ko sa mga magulang mo. Kahit anong utos nila, mag saing, mag laba, mag urong, mag lampaso ng sahig, mag tanggal ng alikabok sa kisame, mag pakain at mag paligo ng mga aso niyo, taga dilig ng halaman nyo, linisin ang kubeta niyo, kargahin ang tatay mo kapag lasing, samahan ang nanay mong mamalengke twing umaga at maging taga buhat ng pinamili niya, at kung anu ano pang utos nilang sinusunod at susundin ko.

Kasi alam kong dun ko maipapakita ang tunay kong pagmamahal sayo at hindi lang sa mamahaling regalo.

Masaya ako sa ginagawa ko at kahit kailan hindi ko naramdaman ang mapagod. Mahal kita. At makita lang kitang masaya nagkakaroon na ako ulit ng lakas. Masaya ako kasi hawak ko na ang tiwala ng magulang mo. At mas masaya ako nang sabihin nilang ""Alam naming ikaw ang tamang lalake para sa anak namin. Boto kami sayo.""

Kinikilig ako. Hehe. See you later mahal. Miss ko na kayo ng mga anak natin, sina brownie, einstein at da vinci (mga aso nila). I love you. 😘

clyde
2013
Institute of Accountants, Business and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon