Ah. Wala yun.
Nung mga araw na kami pa, madalas ko siyang tinatanong tungkol sa mga ex niya. Puro "Ah. Wala yun." ang sagot niya.
-
Kanina nakasalubong ko sila ng bagong girlfriend niya.
Nakita siguro na nagka tinginan kaming dalawa at nang pagkalagpas, narinig kong tinanong siya..
"Sino siya?"
"AH. WALA YUN."
ang sagot niya. 💔
-
Di ko naisip na sa tagal ng panahon na ipinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya ka mahal, sa dami ng binuo naming pangarap at mga ala ala.
Isa rin pala ako sa matatawag niyang, WALA YUN.
Ex
2013
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
CasualeThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.