Mahal
"""Mahal"" salitang nagpapabingi sa katahimikan.
Nagpapainit ng malamig na nararamdaman.
Nagbibigay ngiti sa mga labi mong puno ng hapdi
Nagbibigay kahulugan sa mundong hindi maintindihan""Mahal kita"" mga salitang sinabi ko sa harap mo.
Mga salita na iningatan ko na mula pa sa kaloob looban ko.
Mga salitang inipon sa dibdib ko ng matagal na panahon
Para lang maipahayag At masabi ang tunay na nararamdaman ko""Mahal kita"" yan ang sagot mo.
Mga salitang nagpahinto ng mundo ko
Kasabay ng mga luha na pumatak galing sa mata ko
Luhang nagpapahiwatig ng galak at tuwa na nararamdaman ko
Saya na hindi maipaliwanag dahil sa mga sinabi mo.Kasunod naman ay ang paghalik mo,
Na gumising sa diwa ko.
Halik na nagpatibok ng puso ko
Halik na tumagos sa dibdib ko
Na pilit kong itinatanim sa utak ko
Sinasaulo bawat letra ng labi mo.
Dinadama init ng mensaheng ipinaparating mo.""Mahal kita"" paulit ulit na sambit mo at paulit ulit na sagot ko
Mga salitang binuo ko at binuo mo
Mga salitang pinaniwalaan ko
Mga salitang akala ko totoo!
Pero PUTANGINA!
Napapamura na lang
Sa tuwing naalala lahat ng kasinungalingan mo!""Mahal kita"" yan ang sabi mo.
Mga salitang gumuho sa mundo ko
Kasabay ng pagluha ng mga mata ko
Luhang nagpapahiwatig ng sakit at poot na pinaramdam mo!Kasunod ay ang paghalik mo sa labi ko
Halik mo na pumupunit sa dibdib ko
Kasabay sa paglason ng utak ko
Sinusuka bawat letra ng kasinungalingan mo
Sa pait na nalalasahan ng labi koNagpakatanga ako
Nagmistulang bulag sa panloloko ko
Piniling manahimik at ngumiti sa harap mo
Kahit na nalalason na ang loob ko
Sa mga dahilan, mga palusot at paraan mo na tinatanggap ko.""MAHAL"" yan ang tawag ko sayo.
Salitang alam kong hindi karapat dapat sa tulad mo
Pero PANANATILI sayo, yun lang ang natatanging paraang alam ko
Titiisin lahat ng sakit na ipaparamdam mo hanggang sa maging manhid ako.
Dahil hindi ako bibitaw.
Kahit ang hirap mong mahalin
Hindi ako bibitaw
Patawarin moko mahal, pero mananatili ako sayo.
Dahil ""MAHAL KITA"" yan ang totoo"Girl Hugot
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
RandomThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.