Selfie
Aminado akong vain ako. Bukod sa pag me-make up at pag tingin sa salamin ng madalas, kasama narin sa buhay ko ang pag se-selfie. Selfie kahit walang dahilan, selfie kahit walang namang bago sa itsura.
Isang gabi habang nag so-soundtrip ako mag isa sa kwarto ko. Naisipan kong mag selfie kasi may binili akong bagong lipstick.
Habang umaanggulo ako, bigla nalang may lumitaw na parang ulo ng tao na kulay puti sa tabi ng ulo ko pero hindi siya malinaw, ang labo. At ang nakakapag taka pa dun, nung kinapture ko yung photo wala naman na dun sa picture yung parang ulo sa tabi ko.
Biglang lumamig yung paligid ko at nag taasan yung mga balahibo ko. Inisip kong baka na-blur lang dahil sa ilaw o ano at nung mag te-take na ako ng panibagong selfie nandun parin yung ulo sa tabi ng ulo ko. Sobrang nagtataka ako. Puro ako "ANO BA YUN! BAT BAT MAY GANON!" Kaya tinitigan ko ng matagal para malaman ko kung saan galing yung effect na yun HANGGANG sa naibato ko yung cellphone ko sa sahig!
YUNG ULO BIGLA NALANG HUMARAP SAKIN SA CAMERA! T*ng *na!!!
Tili ako ng tili habang tumatakbo palabas ng kwarto ko. Hanggang sa nakasalubong ko yung ate ko na kararating lang ng bahay at sinabing naaksidente yung bestfriend ko. Dead on arrival sa ospital. Dalawang oras bago ko nalaman. Iyak ako ng iyak nun kasi nag iisang kaibigan ko nalang nawala pa.
Ilang oras na pag iyak at narealize kong,....
... yung bestfriend ko na noon kasama ko palagi sa selfie ko ang nag paramdam sakin nung gabing yun habang nag pi-picture ako. Nakakaiyak pero nakakatuwang isipin na hindi niya ako kinalimutan. Kahit wala na siya, nagawa niya pang mag paramdam sakin.
Bestfriend, gusto ko lang malaman mong miss na miss na kita. 😭 Naiiyak nanaman tuloy ako. Haaaay. 💔 Tatlong buwan narin ang nakakakalipas simula ng mawala ka pero yung sakit nandito parin.
Bes, wala na akong selfie partner. Daya mo. Tara selfie! 😞😭😭
Ching
2011
Instutute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
RandomThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.
