DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 1Life?
Sinong bang ayaw ng perfect life?
Sino bang ayaw ng magandang buhay?
Sino ba ayaw ng masayang pamumuhay?
Lahat naman tayo naghahangad ng isang perpektong buhay kung saan lahat tayo masaya, Kung saan lahat tayo nabubuhay ng maligaya. Ako? Well sabi nila the best place to think ay sa banyo? Haha seryoso yun! Kaya ako? Araw araw tuwing papasok ako sa CR at kapag nagsimula na gumana yung napakaraming neurons ko sa utak, May pitong salita ang laging pumapasok sa utak ko. " I've always wanted to have a life."
Araw araw, bawat pasok ko sa Cr yang pitong salitang yan yung binubulong ko. Pero kasunod niyan ay dalawang tanong na napakahirap sagutin.
What kind of life do I want?
And
What kind of life do I need?
Napakadaling itanong pero nakapahirap bigyan ng sagot, Ano nga bang gusto ko at ano ang kailangan ko? It's like choosing between heaven and hell. Yung gusto mo kahit alam mong mali o yung kailangan mo dahil ito yung tama.
And that is life, COMPLICATED.
This is me and welcome to my story.
Wink!
Napakadaming tao sa paligid ko ng mga oras na yun kahit nakapikit ako damang dama ko yung paligid ko, bawat paghakbang at yabag nila naririnig ko, bawat salitang lumalabas sa bibig nila napapakinggan ko. Tumungo lang ako saka nag antanda.
" Dear God, Sometimes it's hard for me to understand what You really want to happen but I trust You. I know You have plans and You will give me what's best and What I deserve. Thank you Lord for keeping me safe and alive everyday." Dasal ko habang nakaluhod. Nasa loob ako nun ng simbahan, katatapos lang ng misa pero nanatili ako dun para manalangin.
Let me introduce myself, I am Mark Salazar. Cetified believer pero hindi ni Justin bieber huh! Haha Kundi ng ating Panginoon. Naniniwala ako sa kapangyarihan at walang hanggang pagmamahal Niya sa tao. Family? Si God, Well bukod sa kanya syempre I have my parents. Nagtatrabaho yung mommy ko sa Japan and my Daddy is in United kingdom, Trabaho nila? ayoko na malaman at hindi na yun importante basta ang alam ko sila ang magulang ko and I love them kasi galing ako sa kanila. Hindi man sila naging perperktong magulang, Di naman sila nagkulang punan lahat ng pangangailangan ko.
That is something na dapat ipagpasalamat.
Mula ng magkaisip ako inilapit na ko sa Diyos hindi man ng mga magulang ko pero ng mga taong ginawang instrumento ng Diyos para mapalapit ako sa Kanya. Sampung taong gulang ako nun nung una akong magsilbi sa simbahan, dun ko unang naramdaman na may pamilya ako at yun ay si God. I'm Mark Salazar one of the Knights of the altar, Sakristan sa madaling salita.
Si God? Iiwan ka ng lahat pero Sya? Hindi, Napatunayan ko na yun, Mawawala lahat pero sya hindi, kasi lagi S'yang nasa puso mo para samahan ka tuwing nararamdaman mong nag-iisa ka. May Diyos na laging nakagabay sa atin at sasabay Sya sa bawat hakbang na gagawin mo, sasabay Sya sa bawat lipad mo kasabay ng hangin, poprotektahan ka Niya sa bawat hagupit ng bagyo at katabi mo Sya sa bawat bahaghari na dadaanan sa buhay. Si God? Mahal ka niya.