Trombonista ng buhay ko
Chapter 28
Last ChapterThe public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI ETHAN
Maraming nagsasabi na Masaya daw magmahal, na magiging Masaya kapag kasama mo yung taong tinitibok ng puso mo, na magkakaroon ka ng maraming rason para ngumiti...Totoo naman yun but in reality..It wasn’t that easy.. Hindi ganun yun kadali, May mga bagay kailangan pagdaan upang maging Masaya yung ending na gusto mo. Sa love hindi laging puro saya, hindi laging maligaya..kasi maraming pagkakataon na iiyak ka, masasaktan at gugustuhin sumuko..may pagkakataon na gusto mo na bumitaw o gusto mo nalang lumayo.Sa love minsan iiyak ka kahit ayaw mo, masasakatan ka kahit di mo gusto, mapapagod ka kahit gaano ka pa kalakas at higit sa lahat darating yung panahon na maiisip mong sumuko kahit gaano ka pa katapang.
But the funny thing about true love is, giving up is never one of the option.
Kasi if you really want to be happy, lalaban ka.. mapapagod ka pero hindi ka susuko, iiyak ka pero hindi ka bibitaw, masasaktan pero di ka tatalikod kasi kapag nagmahal ka.. magiging matapang ka at walang kahit sino ang kayang humadlang kapag puso na ang lumaban.
LUH!
“ Hey guys, may tanong ako?” saad ko habang nakaupo sa gilid ng maliit na stage sa music room ng school kung saan ako kabilang sa isang banda. “ Okay lang ba, tingin ko kasi kayo makakasagot nito eh.”
” Wala akong oras.” Saad ni Joseph na hindi man lang ako tiningnan, haixt tangina talaga tong masungit na to eh. Binuksan lang nito yung bag saka may nilabas na makapal na libro at pinatong sa piano. “ Ask Blue.” Napalingon naman ako sa tinutukoy niya na kasalukuyang nag aayos ng papel sa mesa. Napalingon lang to sakin saka nagkibit ng balikat.
“ And I have to go, sorry” Saad ni Blue na manager ng banda namin. “ Ethan if it’s really important, just text me nalang or just give me a call later, I really have to go may naghihintay sakin eh, anyways guys dapat galingan natin sa battle of the band.. We all know the prize so goodluck and I know we can do it.” Saad pa nito saka lumabas ng music room. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.
“ Paul, okay lang ba magtanong?” lingon ko sa likod ko, nakaupo lang sya sa harap ng drums pero halatang wala dun yung utak niya. “ Paul?” untag ko sa kanya.
“ What, oh shit I have to go somewhere, joseph hindi ka ba sasabay sakin?” saad ni Paul saka tumayo at sinukbit yung bag, napalingon naman ako kay Jonas habang busy sa cellphone niya.