Chapter 2

1.1K 38 10
                                    

Trombonista ng buhay ko up
By: Bluerose
CHAPTER 2

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.



SI MARK

Life?

Kahit gustuhin mo man hinding hindi magiging perpekto ang buhay, Laging may masaya at malungkot, laging may nakangiti at laging may iiyak. May mga bagay talaga na nangyayare kahit ayaw natin. Mga bagay na hindi natin kayang pigilan, tulad ng ulan na kahit gaano mo to pigilan wag bumagsak, babagsak parin ito at kung hindi ka sisilong mababasa ka. Tulad ng pag ihip ng hangin na hindi pwedeng pigilan sa pag ihip at kung hindi ka magiging matatag, tatangayin ka.

Hindi perpekto ang buhay ng tao pero dapat mo tong sabayan, magpadala sa alon ng pagsubok, lumipad kasabay ng hangin, bumagsak kasama ng ulan at muling magbigay ng kulay tulad ng isang bahaghari. Hindi ikaw ang sasabayan ng panahon, iikot ang mundo kahit wala ka, sisikat ang araw kahit hindi mo ito makita, huhuni ang mga ibon kahit hindi mo ito marinig, sumabay ka hindi para mabuhay, sumabay ka dahil buhay ka.

We only live once so always give your best shot.

Wink!

" Di ka ba nilalamig?"

" Isipin mo yang sugat mo, wag yung katawan ko." Ismid niya napalunok lang ako, alam ko unti unting nagigising yung kakaibang init sa katawan ko habang pinagmamasdan ko yung kabuuan niya. Haixt! " Tara maghanap na tayo ng tricycle para makauwi ka na." saad niya saka nilagay sa balikat niya yung kamay ko. Ohh God, Kasalanan ba tong nararamdaman kong arousal dahil sa pagkakadikit niya sakin.

" Kaya ko na maglakad."

" Shut up, ayoko ng makulit."

" Pero."

" I said shut up?" lingon niya sakin. Agad ko naman iniwas yung mukha ko dahil sobrang lapit ng mukha niya. " Ayoko ng makulit okay?" Saad pa niya. Hindi naman ako nagsalita habang naglalakad hanggang isang kotse yung huminto sa gilid namin.

" Shit!" gigil na bulong ni Ethan, kita ko naman na bumaba yung salamin nung sasakyan.

" Kilala mo?" tanong ko sa kanya pero di sya sumagot.

" Ethan." saad nung matandang lalakeng sakay nung kotse.

" Dad."

" Ano nangyare sa inyo?"

" Nasugatan lang sya Dad, pauwi na din kami."
" Okay alis na ko, Mag ingat kayo next time." saad nung daddy niya, muli naman sumara yung salamin nung kotse saka to muling pinaandar. Isang buntong hininga naman yung pinakawalan ni Ethan.

" Tara." pilit na ngiti niya.

" Kilala ko yung daddy mo, Pastor sya di ba?"

" Yeah."

" Nice, Kaya siguro matulungin ka." ngiti ko.

" Wala syang kinalaman sa pagtulong ko sa iba, At isa pa hindi na ko sa kanya nakatira kaya kung ano man ako ngayon, sigurado ako na hindi yun dahil sa kanya."

" Uhm, Really?"

" Yeah, Di nakakapagtaka na kilala mo si Daddy, Lagi yun nasa simbahan eh." saad niya, huminto naman kami sa isang waiting shed, pinaupo niya lang ako saka sya tumabi sakin.

Trombonista Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon