Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 17DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI ETHAN
Experience? Sabi nila na ang the best teacher daw sa buhay ay karanasan, totoo naman yun eh pero minsan o kadalasan may mga karanasan tayong sana hindi nalang naranasan, mga bagay na sana di nalang dumaan, mga pangyayareng sana di lang naganap. Nakaraan na sana hindi nalang nangyare.
Siguro nga kung ano man yung pinagdaanan mo, it makes you stronger, it makes who you are now pero di ba kahit gaano ka pa kalakas ngayon, Hindi na mawawala yung sugat, di na mabubura yung pilat, na di na muling mababalik yung bawat luha.
Oo malakas ka na ngayon pero kahit kailan di na mabubura na naging mahina ka noon.
--
Nakahiga ako nun sa mahabang upuan habang nanunuod ng t.v ng marinig ko yung katok sa pinto, Naupo lang ako saka nagtatakang lumingon sa pinto. “ Pasok?” saad ko pero tuloy parin to sa pagkatok, humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumayo at lumapit sa pinto. “ Sino yan?”
“ Kuya it’s me.” Rinig kong saad sa labas, Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng marinig yung boses na yun. Pagbukas ng pinto ay yung ngiti ni Kenneth yung sumalubong sakin.
“ Kenneth?”
“ Kuya merry christmas.” Bati nito sakin.
“ Happy holiday, pasok ka.” ngiti ko saka niluwagan yung pagkakabukas ng pinto. Kinuha ko lang yung mga paper bags na dala niya saka nilagay sa mesa. “ Ang dami naman ata nito?”
“ Eh syempre alam ni Mommy na hindi ka magluluto ngayon pasko.” ngiti niya habang nakatitig sakin. “ I miss you kuya.”
“ I miss you bunso.” saad ko saka nagbukas ng paperbag. “ Wow.” kagat labing saad ko ng makita yung morcon sa isa sa mga tupper ware. “ Salamat bunso dito sa food huh, pero next time wag masyadong marami baka mapagalitan pa kayo ni Daddy, okay lang naman ako dito. Marami ring niluluto yung Mama ni Kent kaya hindi naman ako zero kapag pasko.” lingon ko sa kanya pero natigilan ako ng makitang nakatitig parin sya sakin. “ Bakit bunso may problema?”
“ Kasi kuya.”
“ What?”
“ I miss you so much, Mom and I miss you so much.” seryosong saad niya.
“ Bunso.” pilit na ngiti ko.
“ Kuya kailan kaya uli kita makakasama kapag christmas eve?” nguso niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagbigay ng ngiti, dati excited kaming magkapatid tuwing darating yung christmas, nag-aayos ng christmas tree, nagbabalot ng mga regalo, masayang pinagmamasdan yung bawat parol na nakalagay sa harap ng bahay namin, binibilang yung bawat ilaw ng christmas lights, nag-uunahanan sa pagbukas ng regalo tuwing sasapit ang hating gabi, I miss those memories.
Hindi lang naman puro sakit yung naranasan ko sa bahay namin, may mga oras na naging masaya rin ako..lalo na kung wala si Daddy.
“ Kenneth.”
![](https://img.wattpad.com/cover/66303299-288-k340200.jpg)