Chapter 12

755 28 4
                                    


Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 12

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.

SI ETHAN


       Minsan may mga bagay tayong gustong kalimutan, mga tagpong gustong iwaglit sa ating isipan, mga alaalang gustong gusto ng mawala na lamang. Na sana sa isang kisapmata pwede kang magsimula ng isang panibagong umaga, na wala ang sakit ng nakaraan at hapdi ng mga sugat. Na sana pwede kang ngumiti habang humahakbang patungo sa kasalukuyan.

       Na sana pwede kang magpatuloy nang hindi tinitiis ang kirot at hapdi ng mga sugat na galing sa isang masakit na nakaraan, sana..

       Pero hindi pwede..

       Hindi maaari...

       Kasi kahit kailan hindi mo na mabubura ang isang bagay na nangyare na at hindi mababago ang kahit ano na nasa ala-ala na lamang.

       Oo, walang kahit anong pangbura ang pwedeng magtama ng nakaraan pero may tinta pa ang panulat na pwede mong gamitin para gawing tama ang kasalukuyan.

--

       Parehas lang kami ni Kent na nakatambay sa gilid sa labas ng simbahan ng oras na yun habang hinihintay magsimula yung misa.

       Unang misa sa taunang misa de gallo na nagaganap tuwing ika-labing anim ng disyembre sa ganap na alas kwatro ng madaling araw. Taon taon kami ang naatasan na tumugtog sa kalsada, isang oras bago magsimula ang misa. Kadalasan kundi kami galing sa tambay ay galing kami sa inuman.

       Ito yung buhay namin ni Kent at wala kahit sinong pwedeng mag-alis nito. Sa pagiging trombonista namin natagpuan ang mga sarili namin at nabubuhay gamit ang tunog na lumalabas sa instrumentong ito.

       Instrumentong kasama namin hindi lang sa saya kundi sa lungkot pero bukod dun sinalo nito yung bawat luha na tumulo sa mga mata namin, pinakinggan yung bawat hikbi na lumabas sa mga bibig namin.

       Isang bagay na tumayong kaibigan, Isang bagay na naging karamay..

       This is us, Kent and I are not just friends, we are family.

       “ Makikinig ba tayo ng misa kaya tayo nandito?” tanong ni Kent.

       “ Shut up, wala akong paki sa misa na puro ang laman ay galing sa isang libro na puro kalokohan ang nasa loob.” simangot ko natawa naman sya saka umakbay sakin.

       “ Eh bakit ba tayo nandito?”

       “ Nagpapawala ng tama ng alak, napadami inom ko tang ina ka kasi eh. San ka ba galing kanina bakit bigla kang nawala?”

       Isang malalim na hininga lang yung pinakawalan ko habang pinagmamasdan yung malaking krus sa tuktok ng simbahan, napakataas nito at mamangha ka sa ganda at lakas ng ilaw na nagmumula sa bagay na yun.

       Sobrang ganda pero...

       It’s man made, Just man made.  Everything you see and hear in this place are just man made.

       Reality.

       “ Tang ina tol, ang sarap nung nakasex ko kanina.” sagot sakin ni Kent dahilan para mapalingon ako.

Trombonista Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon