The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI KENTot
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakita kong nakatanaw sakin ang bilog na buwan, kasabay ng malamyos na hanging humahampas sa aking balat, mga bituin na sabay sabay na nagbibigay ng kakaibang kislap sa kadiliman na bumabalot sa buong paligid. Mumunting hibla ng buhok sa aking mukha, ngiti na di alam kung saan nga ba nagmula, kung paano nagsimula at kung hindi na ba mawawala. kabog ng dibdib na parang sumasabay sa patak ng oras kasabay ng isang pakiramdam na tila dala ng isang makapangyarihang tanikala.
Sa pagtanaw ko sa bilog na buwan, dala nito'y kakaibang liwanag na tila ngayon lang nasilayan.
Liwanag na tila ngayo'y binabalot ng dala kong kadiliman.
" Are you sure na okay lang sumama ako?" Tanong ni Jasper na kasalukuyang nagdadrive papunta sa resort kung saan napagdesisyunan naming magswimming, inayos ko lang yung suot kong pants saka kinuha yung tissue sa dashbord ng kotse niya. " Are you sure na walang magagalit?"
" Oo naman." Tango ko sa kanya habang pinupunasan yung puson ko na may talsik ng katas na nagmula sakin. " How about Mark? tingin mo okay sa kanya?" " Bakit naman hindi magiging okay sa kanya?" natatawang saad ko saka inayos yung suot kong tshirt. " Kasi he likes you." Isang sarkastikog ngiti lang yung pinakawalan ko. " So?" " You like him too, baka ma-out of place lang ako." " You like me di naman ah?" ngiti ko." So, I think it's a tie?" " Are you trying to make me laugh?" lingon niya sakin. Agad naman akong umiling saka natawa. " Ang seryoso mo, ngiti naman?" humugot lang sya ng malalim na hininga saka pinilit ngumiti. " Like this?" " Pwede na, Basta sumama ka na. Saka para mag-enjoy ka na rin. Mukhang kailangan mo yun eh." Wika ko saka marahang hinaplos yung bintana ng sasakyan niya." Okay lang bang buksan ko to?" Saad ko na ang tinutukoy ay yung bintana ng sasakyan niya. " Why?" " Wala lang." Kibit ko ng balikat, tumango naman sya. " Alam mo gustong gusto ko yung amoy ng hangin sa gabi." Lingon ko sa kanya pagbaba ko ng salamin ng kotse niya. Siguro kung buhay lang si Russel ngayon baka kami ang magkasama, baka masaya kami. Tangina gabi gabi siguro kami nagsesex o baka nga oras oras haha, Madalas inaaway ko yun pero sobrang mahal ko sya. Sobra, pagmamahal na hindi man lang nabigyan ng pagkakataon. Ganun naman ata talaga ang buhay, laging nasa huli ang pagsisi at laging aalala ang madadala mo sa kasalukuyan. Nakakabwiset pero wala namang magagawa di ba? Nang lumingon ako sa taong katabi ko napansin ko lang yung ganda ng mga mata niya, mata na sobrang daming emosyong tinatago, mata na kung tumingin ay tila may dala na libong libong pag asa ngunit sa likod pala ay di masukat na kalungkutan. Magkaiba sila ng mga mata ni Russel, pero yung pakiramdam na dala ng tingin nito ay katulad ng sa taong minsan dumaan at naging buhay ko. Mga tingin na tila nagsisimula ng apoy sa loob ko na di ko alam kung paano aapulahin. Panahon na siguro para subukan kong muli ang madarang sa apoy, muling damhin yung init na mula ditto. Pero, tangina bakit parang di man lang sya nagjojoke? Umayos lang ako ng upo, haixt ngayon lang ako nakipagusap sa ganitong uri ng tao. Oo masarap sya, yung itsura niya, yung tindig pero parang ang hirap niya pakisamahan. Tangina pormal na pormal! " Wala kang syota ngayon?" tanong ko, tanging pagtango lang yung sagot niya. " Bakit? nasaktan ka dati?" tanong ko pa habang inoobserbahan yung kilos niya at bihis. Ibang iba yung itsura nung una ko syang makita. Sya yung tipo ng mayaman na maiilang kang kausapin. " Hindi naman gaano." " Eh bakit wala kang syota? natatakot kang masaktan?" saad ko, isang ngiti lang yung pinakawalan nya saka marahang umiling. " Eh bakit? siguro sinarado mo yung puso mo para magmahal uli noh? O pwede ring may hinihintay ka? Tangina bang tanga lang ng mga taong naghihintay sa wala." " I'm not closing my door but it doesn't mean it's open, Well maybe I'm just waiting for someone who's brave enough to open that door. Walang lock yung pinto, wala lang talagang gustong pumasok." saad niya habang nakatingin sa kalsada. " Siguro, wala palang naglalalakas ng loob na pasukin yung mundo ko But I'm just here, waiting for love to come around." Ngiti niya saka lumingon sakin. " And for the record, Im not waiting for someone. I'm not that kind of person, not the martir type. I Always think that people come and go and I can't do anything about it. If you're going stay, I'll be happy but if you want to go, It'll be sad but life goes on and I have to move on." mahabang saad niya, napalunok lang ako. " Not the typical guy who will do anything, I'm the kind who will not do anything. Kaya nga siguro until now Im single. I'm always scared to do something I'm not sure of." " Tangina english, oo nalang." Natatawang saad ko." Mas masarap kumantot kesa pilitin kong iprocess sa utak ko yung sinabi mo hayop!" Tangina parang aral na aral yung kilos niya, pagsasalita putek kahit pag ngiti di ko alam kung totoo ba o hindi. " What I'm saying is I am just here, naghihintay na mahalin." Hindi ko naman mapigilang matawa. " You look better when you are smiling." " Lahat naman ata, wala naman sigurong magsasabi na you look better when you're sad." " Sabagay." Hanggang mapadako yung tingin ko sa kamay niya na nasa manibela, Alam ko si Russel nung panahon na yun kailangan niya ng kamay na aalalay sa kanya, pero di ko nagawang ibigay sa kanya yun. Isang malalim na buntong hininga lang yung ginawa ko. " Para saan naman yun? Ang lalim huh?" saad niya. " Alin?" " Yung buntong hininga mo?" " Ah.. Sarap mo kasi chumupa, may talent ka." Ngiti ko sa kanya. Kita ko naman yung pagsimangot niya. "Tangina joke lang, ano may naalala lang." tangina hirap ijoke! " I see." " Ang bango ng hangin." " May pinagkaiba ba yung amoy ng hangin sa gabi kesa sa umaga?" " Meron." Ngiti ko saka pumikit at nilanghap yung hangin na humahampas sa mukha ko. " Amoy ng masayang alaala, minsan pwede mong tikman para malasahan mo uli yung ganda ng kahapon." Saad ko saka dahan dahang binuksan yung mata, nang lumingon ako sa kanya nakita ko lang na nakangiti na sya. " Tangina bakit ganyan ngiti mo?" " Ang amo kasi ng mukha mo kapag nakapikit, parang ang bait bait mo." " Gago mabait talaga ko hindi lang gaanong halata, try mo amuyin yung hangin?" " Wag na." " Bakit naman?" " Kaya siguro hindi ko alam na may amoy yung hangin sa gabi." Payak na saad niya. " Kasi wala naman akong magandang alaala." " Wow." " Or minsan siguro naaamoy ko, pero masamang amoy." " Seryoso?" " Unfortunately I'm serious, I don't have that kind of feeling? Remembering something beautiful? Taste of good memories? Well sana balang araw magkaroon narin ng amoy yung hangin tuwing lalanghapin ko sa gabi." Saad niya, napangiti lang ako. " Parang ang lungkot lungkot mo?" " Ikaw parang saya saya mo?" Lingon niya. " Eh kasi.. uhm bakit nga ba? Wala naman kasi akong dahilan para malungkot. Buo yung pamilya ko, masaya naman kami kahit minsan kinakapos. Meron akong kaibigan, at si Mark at baka ngayon kasama ka na." " Huh?" " Joke lang binobola lang kita." Natatawang saad ko. " Pero tangina ang yaman yaman mo tapos malungkot ka, ako marami akong pwedeng gawing rason para maging malungkot pero alam mo kasi, maikli lang yung buhay, tangina sasayangin ko pa ba? Minsan ka lang mabubuhay sa mundo kaya dapat sarapan mo na! habang may oras kantot lang." " Di naman kasi nabibili ng pera yung happiness." " Pwede rin naman, nabili mo nga ako eh. Napasaya kita di ba?" " Nang sandali lang." " Atleast." Ngiti ko. " Kita mo yung buwan?" Turo ko sa kanya kung nasaan yung bilog na buwan. " Ang ganda, sobrang ganda tangina." Lingon ko sa kanya. " Naisip ko lang hindi natin makikita ang buwan kung walang kadiliman, hindi sya makikita kung walang dilim na babalot sa paligid niya." " So what are you trying to say?" " Wala kang karapatan maging malungkot." " At bakit?" " Kasi buhay ka, at ngayon nakikita mo yung buwan na kahit binabalot ng dilim..nagliliwanag."saad ko kasabay ng isang simpleng ngiti habang ang mga mata ay nakapako parin sa ganda ng bilog na buwan. " Yeah right." Ilang sandali pa ng pumarada kami sa parking lot ng isang resort. " Sigurado ba kayo magswiswimming kayo ng ganitong oras?" Saad niya pagbaba namin ng kotse niya. " Oo naman." " Parang malamig na masyado?" " Summer eh, sa boracay nga buong taon summer." Ngiti ko sa kanya. " Jaz." " What?" " Jaz nalang tawag ko sayo." " Okay lang." " May tanong ako." " What?" " Posible bang mainlove ka sakin?" Deretsong tanong ko sa kanya, kita ko naman na natawa sya. " O babae yung gusto mong makasama?" " Uhm." " Wag kang assuming, gusto ko lang tanungin?" seryosong saad ko na sinuklian naman niya ng sarkastikong ngiti. " Posible ba o hindi?" " Kung mamahalin mo ko, it's possible." Saad niya na may simpleng ngiti. Natawa lang ako saka pinagmasdan yung mukha niya. " Bakit?" " Gwapo ka pero di mo kasing cute si Mark." Saad ko, kita ko naman na nawala yung ngiti niya. " Pero mas masarap ka sumubo, tangina pavirgin yun eh." " Not funny." " Joke lang, Tara na nga." Saad ko saka tumalikod at nagsimulang humakbang. " Andrei." Rinig kong saad niya, huminto naman ako sa paglalakad. " Andrei." Ulit niya, pinikit ko lang yung mga mata ko saka nagbuga ng isang malalim na buntong hininga. Tangina pinapaalala niya talaga sakin si Russel, Haixt." Andrei nahihiya ako eh, uwi nalang ako." " Sama ka na." " Pero." " Tangina wag ka ng maarte, kapag sumama ka. Promise papaligayahin kita uli kahit walang bayad." " not that, si Mark." " Tangina wag ka ng maginarte, Si mark? Di ako gusto nun." " What?" " Si Ethan yung gusto niya, di ako. Yung ginagawa niya, yun din ginagawa ko kaya alam ko." Mapait na saad ko saka naglakad naramdaman ko naman yung pagsunod niya sakin. " Sino si Ethan?" " Kaibigan ko." lingon ko sa kanya saka kinuha yung cellphone ko sa bulsa. " O nga pala wag mo ko tawagan ng tawagan huh, nakakainis kasi kapag tunog ng tunog yung cellphone ko eh. Ayoko ng may nangungulit sakin.nakailang palit na ko ng number kaya please." " Si Ethan, may gusto din sya kay Mark?" "Si Ethan?" payak na saad ko. " Wala? tangina babae gusto nun eh." " So?" " So ano?" " Hindi ka gusto ni Mark?" " Nalilibugan sya sakin,, pero mahal? ewan ko?" Natatawang saad ko saka dinial yung number ni Sofhie. Ilang sandali pa ng sumagot to. "Dito na ko sa labas." " Okay pasok ka na pinagbilin na kita sa guardia." saad sa kabilang linya. " Okay sige." saad ko saka pinatay yung cellphone.