Chapter 3

1K 40 3
                                    

Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 3

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.



SI MARK

You can't stop the waves, but you can learn to surf.

Sabi nga di natin mapipigilan ang bagyo sa pagdating, di natin mapipigilan ang hangin sa pag ihip, di natin mapipigilan sa pag ikot ang mundo. Pero pwede mo syang sabayan, pwede kang magpadala sa agos, magpatangay sa hangin, sumabay sa bawat alon ng buhay kasi dadalhin ka niya sa lugar kung saan matatanaw mo ang ganda ng paglubog ng araw. Dadalhin ka niya kung saan makikita mo ang ganda ng liwanag ng buwan, Dadalhin ka niya kung saan makikita mo ang ganda ng bahaghari pagkatapos ng malakas na bagyo.

May dahilan ang lahat, matuto ka lang magtiwala sa Panginoon kasi may plano sya para sayo,Magandang plano na para lang sayo.

WINK! ;)

Nakatayo ako nun sa pinto ng simbahan habang nakatanghod sa sentro na nasa harapan kung saan nakalagay yung imahe ni Jesus habang nakapako sa krus.

Nang mga oras na yun pakiramdam ko napakagaan ko, para akong nakalutang habang nakatingin sa imahe na yun kasabay ng haplos ng hangin sa mukha ko.

Tuwing nakatingin ako sa imaheng yun, pakiramdam ko napakaganda ng paligid ko, na para akong nasa isang paraiso na tanging huni ng mga ibon at pagaspas ng dahon yung bumabalot sa paligid, Para sakin? Ito ang lugar kung saan mararamdaman mo .ang pakiramdam ng nasa langit, This is heaven.

" Ilang minuto mo ba titigan yan? Di naman yan aalis ah." saad ng tao sa gilid ko. Paglingon ko para akong biglang naestatwa. Si Kent?

" Anong ginagawa mo dito?"

" Napadaan lang, Ang weird mo kasi kanina ka pa nakatayo jan."

" Uhm gusto ko lang mag-isip." iwas ko ng tingin.

" Magisip ng alin?" tanong niya, ngumiti naman ako saka umiling.

" Gusto ko lang huminga kaya nandito ako, Si God lang ang pwede makinig sakin ngayon eh."

" Really." Sarkastikong saad niya.

" Yeah."

" Oo nga pala,Nakita mo ba yung friend ko? Si Ethan?"

" Hindi eh."

" Okay alis na ko." kindat niya sakin saka ako tinapik sa balikat. Ilang sandali ko naman tiningnan yung balikat ko na tinapik niya parang may bolta bolataheng kuryente yung dumaloy sa katawan ko sa ginawa niya. Aixt!

Pumikit lang ako saka humugot ng malalim na hininga.

" God, please tell me wala lang to." bulong ko.

" Mark let's go?" tawag sakin ni Kuya Harvey. Haixt halos isang linggo na syang nasa bahay at hanggang ngayon naiilang parin ako sa kanya. Umalis na si Daddy at di ko alam bakit kailangan dito tumira sa Pilipinas ni kuya. Feeling ko kapag nasa bahay ako hindi ako makahinga, lagi syang nakadikit sakin.

" I'm sorry." pilit na ngiti ko paglapit ko sa kanya.

" So Let's go?"

" Yeah, Kailan ka aalis Kuya?" tanong ko sa kanya, tumigil naman sya sa paghakbang saka lumingon sakin. " O kuya nga ba talaga kita?" Seryosong tanong ko. Napangiti lang sya habang tila sinusuri yung mukha ko. " Wala kang nababanggit na dahilan kung bakit nagpaiwan ka kay Daddy, Tell me anong dahilan? Bakit?"

Trombonista Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon