Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 7DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI ETHAN
"The sailor does not pray for the wind, he learns to sail."
May mga bagay akong hindi pinaniniwalaan, mga bagay na tingin ko ay di dapat paniwalaan, mga salitang di dapat sinasapuso. When I was a child I had an imaginary friend to whom I talked. Mula umaga hanggang pagtulog pilit ko syang kinakausap, pilit ko syang tinatanong kung bakit ganyan, bakit ganito but he never answer me.
Hanggang narealize ko na he's imaginary, yeah he is.
Lumaki ako na nagdadasal, lumaki ako na pilit sinasapuso lahat ng aral mula sa kanya. I can still remember the day nung bigyan ako ni mommy ng bible, the day kung kailan puro pasa yung mukha ko dahil sa gulpi. Sabi ni mommy " Read it, it will change your life."
Binasa ko ang libro na sabing magpapago ng buhay ko, Yeah binasa at kinabisado ko, sinapuso at isinagawa pero, yeah it change my life. It made me an athiest.
It made me realize that God doesn't exist. Simula nun, sumabay ako sa buhay, natuto akong mag-isa, hindi ako nagdasal na iligtas niya ko from Dad, niligtas ko yung sarili ko, hindi ako nagdasal na bigyan niya ko pagkain, pinagtrabahuhan ko para magkalaman yung sikmura ko. Hindi ako nagdasal na gisingin niya ko sa umaga, my alarm clock can do that haha, Oo hindi na ko naniniwala sa kanya, hindi na.
If God doesn't like the way I live and what I believe in, Let him tell me, not you.
Ito ako eh, at di na mababago yun.
Hawak hawak ko ng gabing yun yung cellphone ko habang naglalakad " 1 am na, Sigurado ka bang ihahatid mo ko?" tanong ng kasabay ko maglakad pero binigyan ko lang sya ng isang ngiti.
" Sino naman nagsabi na ihahatid kita?"
" What?"
" Joke lang!" natatawang saad ko. " Ihahatid kita, Wala ka ng ngang kasama sa bahay mo ngayon, pati ba naman sa pag uwi mag isa ka parin, Ang sad ng buhay mo noh?" ngiti ko.
" Kasama ko si God, All the time."
" Seriously Nasaan sya?" tawa ko na tumingin pa sa palibot niya. " Asan sya? Pakilala mo naman ako sa imaginary friend mo?"
" Nandito sya Ethan." turo niya sa dibdib niya, Lalo naman akong natawa. " Seryoso ako."
" Ano sya nagtransform bilang dugo? Or ugat? Or what? Kung hindi mo lang naman napag-aralan sa science, Dugo po at napakaraming ugat ang nasa puso natin, Pano nangyare na anjan si God?" natawa naman sya ng payak.
" Athiest." Sarkastikong ngiti niya.
" Yeah, At ang kaharap ko ngayon ay isang tanga na naniniwala sa isang tao na binuo niya lang utak niya."
" Well I have my faith, Gusto mo i-share ko sayo."
" Faith? Yang faith mo ba na yan sang ayon sa pagtitig mo sa lips ko?" saad kong nakatingin sa kalsada, Palihim lang akong napangiti ng umiba sya ng tingin.. " Yang faith mo ba sang ayon sa gusto mo?"
" Anong gusto ko?"
" Gusto mo ko halikan."
" Absurd." iling ko. " Sino naman nagsabi na gusto kita halikan?"
