Chapter 19

754 28 1
                                    

Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 19

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.

SI MARK

       Sumabay ako sa hangin tulad ng isang buhangin na sumasama sa bawat hampas ng alon sa dagat, naglakbay kasama ng mga ulap, lumipad na tila may pakpak ng isang ibon, Nakinig sa bawat pagaspas ng mga dahon na tila ungol ng isang pusong nangungulila. Nakipaglaban sa bawat sakit na dala ng panahon, nakipagtagisan sa hagulghol ng pagsubok.

       Humakbang dahil kailangan kong umusad, pero may isang bagay ang nais kong maranasan.

       Hindi ko pa naranasan maging masaya, hindi ko pa naranasan maging totoong masaya pero hindi ibig sabihin nun ay di ko na yun mararanasan, patuloy akong naglalakbay, patuloy na nabubuhay, patuloy na humihinga dahil alam ko na darating yung araw may taong darating, taong magmamahal, taong magbibigay ng ngiti, taong sasama at hahawak sa kamay ko sa bawat hakbang na gagawin ko at kapag dumating yung taong yun?

       Hahawakan ko sya ng mahigpit, dadamhin yung init mula sa palad niya, pagmamasdan yung bawat kurap at kislap sa mga mata niya, ibibigay yung ngiti na sya mismo ang may gawa. Mamahalin at sabay namin pagmamasdan yung ganda ng mundo. Mamahalin at magkahawak ang kamay na maglalakbay, mamahalin at pahahalagan ang bawat sandaling ibibigay ng pagkakataon. Mamahalin at magiging masaya sa piling niya at wala ng iba pa.

       Darating sya, maghihintay ako.

----

       “ Mark Magiinom kami.” bungad sakin ni Kuya pagpasok niya sa kusina, kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinggan nun. “ Bukas mo nalang gawin yan?” saad pa niya pero marahan lang akong umiling.

       “ Maglilinis nalang ako Kuya.”

       “ Ayaw mo uminom?” muli pag iling lang yung naging sagot ko. “ May nangyare ba?”

       “ Wala kuya.”

       “ Mark?”

       “ I’m fine.” saad ko na pinilit naglagay ng ngiti sa labi saka lumingon sa kanya, isang buntong hininga naman yung narinig ko sa kanya. “ Kuya yung kanina, I’m sorry.”
       “ You didn’t mean it naman right, Mark okay.” Saad niya, iniwas ko lang yung tingin ko. “ Mark, Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka, Kaya sana wag mo hayaan saktan ka niya.”

       “ Kuya, I’m sorry pero kaya ko naman yung sarili ko.”

       “ Hindi na ko mangengealam, pero kapag nakita kitang umiiyak dahil sa kanya? Mark I’m sorry hindi ko sya mapapatawad, hindi ko alam kung ano gagawin ko sa kanya pero sigurado ako hindi niya yun magugustuhan.”

       “ Kuya naman?”

       “ Basta hindi na ko makikialam, mahal kita Mark just remember that okay, kahit anong mangyare, kapatid mo ko and I’m always here for you, always Mark.” ngiti niya.

       “ Merry christmas kuya.” ngiti ko sinuklian naman niya to ng yakap. “ Wait kuya basa yung kamay ko.”

       “ Mahal kita Mark kaya walang pwedeng manakit sayo.”

       “ Kuya basa yung kamay ko.” ngiti ko saka sya marahang tinulak.

       “ Sabihin mo lang huh, sasapakin ko yang si Kent. Wag kang matakot kasi nandito ako.”

Trombonista Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon