Chapter 20

861 34 3
                                    



Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 20

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.

Trombhonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 20

SI ETHAN


       Maging masaya, Paano nga ba maging masaya? Ngumiti na tila baliw sa isang lugar na ‘di kilala, ngumiti na parang walang bukas na inaalala, Isang ngiting di nais mabura pa. Isang pakiramdam na tayong lahat ay nais makuha, pakiramdam na sana ay ‘di na matapos pa, pakiramdam ng isang ibon na kay tagal bago nakalaya, pakiramdam ng ulan tuwing babagsak sa lupa.

       Pakiramdam.. Pakiramdam ng isang taong masaya.

       Pakiramdam... Pakiramdam ng taong gustong sumaya.

       Sa bawat tibok na tila kidlat sa bilis, mga matang iisa ang nais, kamay na may dalang init sa bawat haplos, halik na dahan dahang sa puso’y gumagapos, higpit ng mga hawak sa mga palad na tila ayaw nang kumalas, isang pakiramdam unti unti sa pag usbong. Sa isang kislap puso’y bigla huminto sa pag tibok nang sa aking mga mata’y isang ngiti ay sumalubong.
 
       Ito na nga ba yung pakiramdam na ‘yun?

       Pagkatapos ng isang halik puso’y biglang umibig.

----

       Naalipungatan lang ako ng maramdaman yung kung anong kumakagat sa paa ko kaya agad akong napatayo.

       “ Shit! Langgam!” inis na saad ko saka hinubad yung sapatos ko at pinagpag. Natigilan lang ako ng mapansin yung tinatapakan ko, teka? Nasaan ako? Nang ilibot ko yung tingin ko nakita ko lang si Mark na mahimbing din na natutulog sa gilid habang nakasandal sa pader.

       “ Mark.” tawag ko sa kanya. Napakamot lang ako, oo nga pala magkasama kami kanina, Nawala na yung pagkalasing ko dahil sa pag akyat namin sa letseng bundok na to.

       Napabuntong hininga lang ako saka nilibot yung tingin ko sa buong lugar.

       Unti unti nang kinakain ng liwanag yung kalangitan.

       Lugar kung saan nagkikita ang buwan at ang araw?

       Tumingala lang ako saka hinahap yung bilog na buwan na kanina ay sobrang liwanag ang dala, hanggang mahagip to ng mata ko.

       Wow

       “ Mark wake up!” saad ko pero wala pa din sagot mula sa kanya. “ Aixt I said wake up?”

       Nang lumingon ako ay mahimbing parin syang natutulog.

       Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng mapansin yung unti unting pagsilip ng araw sa silangan, oh shit.

       “ Mark wake up, you need to see this.” saad ko. “ Shit hindi ka ba talaga magigising?” napapakamot na saad ko saka lumapit sa kanya saka lumuhod sa gilid niya.

       Aktong hahawakan ko sya ng matigilan ako ng mapagmasdan yung mukha niya ng ganung kalapit, nang ganun kaliwanag, nang ganun kalinaw, yung makinis niyang mukha, yung mapupulang labi. Yung mahabang pilik mata.

Trombonista Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon