Trombhonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 21DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI KENT
Sa bawat gabing kay dilim, sa bawat kwartong napuno ng bawat ungol, sa bawat pagpatak ng pawis sa balat, sa pagsamba sa katawan na dala ay ligaya sa bawat ugat, sa mga halik na sa bawat isa’y tumutunaw, sa haplos na tila bulalakaw na nag aapoy, Mga matang punong puno ng pagnanasa sa bawat sulyap.. Mapunta sa nag aapoy na impyerno na ang pakiramdam ay walang hanggang langit.
Init na nagdadala sayo sa isang paraiso, init na laging hinahanap ng iyong pagkatao, pakiramdam na tila hindi nauubos, Pagnanasang tila halimaw na hindi mapigil, katawan na tila diyos kung sambahin.
Kahinaan ng bawat isa.
Lakas ng iilan.
Ganti para sa pusong nasugatan.
---
Pagpasok ko sa bahay ni Ethan, hindi ko lang mapigilan pagmasdan yung loob nun. Wala talagang kabuhay buhay, parang walang nakatira, ilang taon na nga ba syang ganito, mag-isa?
Paano niya nakakaya na ganito yung buhay niya, na walang pamilya? Ganun ba sya katatag? Ganun ba sya katapang? Alam ko pamilya na yung turing niya samin pero may sarili din syang pamilya.
‘Yan si Ethan eh, masaya kahit mag-isa.
Nakasimangot lang akong umupo sa upuan saka binuksan yung tv niya.
Sya? Kailan sya magmamahal? Alam ko darating yung araw na magmamahal yung tanginang yun pero sana kapag dumating yung araw na yun wala na yung nararamdaman ko sa kanya, Sana wala na.
Kasi hindi ko alam ang gagawin ko, wag lang akong masaktan.
Ilang minuto pa ng bumukas yung pinto, di naman ako lumingon.
“ Tangina mo Kent bahay mo ba to?” saad niya, isang payak lang na ngisi yung pinakawalan ko.
“ Hindi ka kasi marunong maglock ng pinto, pasalamat ka nga binabantayan ko pa eh.” saad ko.
“ Haixt bwiset.” inis na saad niya saka pabagsak na naupo sa tabi ko sabay bato ng bag niya sa kabilang upuan.
“ Bakit?”
“ Tangina naman kasi tol, hindi porket magaling ako sa guitara at trombone eh magaling na rin ako sa piano, Tanginang prof yan gusto ata akong makitang bumagsak sa subject niya eh.” simangot niya habang tinatanggal sa pagkakabotones yung polo niya.
“ Marunong ka naman magpiano di ba?”
“ Basic tol?”
“ Marunong ka naman ah? Ano nga yung tinugtog mo dati sa banda?” ngiti ko.
“ Tangina doremi?” Simangot niya, natawa lang ako. “Tapos gusto niya baguhin ko yung keys ng isang kanta, tangina kung di ko pa nga sinabi na di ako marunong magcompose ng kanta, pagagawain niya pa ko eh, malay ko ba dun?”