Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 11DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI ETHAN
Feelings are much like waves. We can’t stop them from coming, but we can choose which one to surf.
And Just like waves, they come and go. Kung walang permanente sa mundo, ganun din sa nararamdaman, They really come and go however, we can always choose which one we will surf. We can decide which feeling we are going to allow to stay with us. Just remember that happiness is a decision, you are a happy or sad as you decide to be.
Nakatayo ako nun sa sidewalk ng session road, di ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa lugar na yun at lalong di ko alam kung bakit ako nanduon, basta ang alam ko gusto ko tumigil ang oras, gusto ko huminto yung sandali. Ayoko gumalaw, ayoko kumilos. gusto ko damhin yung katahimikan na tanging ako lang ang nakakaalam. Katahimikan na namamayani sa kaibutaran ng aking puso.
Nakikita ko yung pagdaan ng mga tao sa harapan ko, mga sasakyan na di tumitigil sa pagdating at pagdaan sa kalsadang yun.
Nanatili parin akong nakatayo, walang emosyon, walang pakialam sa paligid.
Ilang segundo pa ang lumipas hanggang naging minuto hanggang hindi ko na nabilang kung gaano katagal. Dahan dahan ko lang pinikit yung mata ko saka tahimik na panakinggan yung ingay sa paligid, Unti unting dinama yung sandaling yun.
Minsan mararamdaman mo ang katahimikan sa gitna ng ingay.
Isang ngiti lang yung pinakawalan ko saka nagsimulang maglakad.
Tanghali na ng makarating ako sa hotel kung saan kami tumutuloy. Wala naman akong nararamdaman kay Mark, sigurado ako dun. Di ako nagseselos at lalong sigurado ako dun!
“ Ethan , May girlfriend ka.” bulong ko pa habang nakasakay sa elevator, Pero gusto ko uli sya mahalikan eh.“ Tang ina ka Ethan huh sabing may girlfriend ka eh!” inis na saad ko nang bumukas yung elevator. Kainis naman nababaliw na ata ako!
Nakauwi na kaya sila?
Pagbukas ko ng kwarto namin ni Kent, nabungaran ko lang syang nakahiga na sa kama habang mahimbing nang natutulog. “ Kung para sayo Kent okay lang, di ko naman sya gusto eh.” saad ko saka napabuntong hininga. “ Uhm gusto ko lang sya mahalikan uli pero di ko talaga sya gusto? Tang ina ayoko magmahal ng tanga, Sayo nalang sya Bro.”
Magkaiba kami ng pinaniniwalaan kaya napakaimposible, sayo pwede pa.
Napalingon lang ako ng marinig yung katok sa pinto. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagpasyang lumapit sa pinto at dahan dahan tong binuksan, haixt I knew it, It’s him.
“ Ethan uhm nag-aalala kasi ako sayo? Kala ko nawala ka na.” Saad ni Mark marahan naman akong umiling habang pinagmamasdan yung mukha niya. Ang pula talaga ng lips niya, yung maputi niyang leeg hanggang sa makinis niyang batok. Haixt! Kainis talaga. “ Saan ka ba galing?”
“ Uhm ano, namasyal lang.” iwas ko ng tingin saka palihim na napalunok, Ngayon nalang magsisimula uli si Kent, hahadlangan ko pa ba yun? Aixt besides I have a girlfriend! Tang ina naman oh.