Chapter 16

790 32 6
                                    

Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 16

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.




SI ETHAN

       Nakaraan? Sabi nila past is a nice place to visit but certainly not a good place to stay or sabi rin nila past is past, Meron pa ngang past is best left in the past. Pero totoo nga ba yun? Totoo nga ba na ang nakaraan ay mananatili nalang na isang ala-ala? Totoo ba na pwede mo nalang iwan lahat sa isang lugar at magpatuloy sa paghakbang.

       Pano kung yung inaakala mong nakaraan ay parte parin pala ng kasalukuyan, na yung inaakala mong pahinang matagal mo ng nalampasan ay kasalukuyang parin palang nakaabang para muli mong tingnan?

       Pano kung yung inaakala mong tapos na ay di pa pala nabibigyan ng tuldok para makapagsimula na ng panibagong talata, Pano kung yung inaakala mong kasalukuyan ay bahagi parin pala ng isang nakaraan?

       Nakaraan na matagal mo ng gustong takasan, Lugar kung saan ayaw mo na balikan, buhay na matagal mo ng kinalimutan. Pano ka tatakas kung simula pagsilang nakakabit na ang isang kadena na di sigurado kung may susi bang laan?

       Pano mo tatakasan ang isang nakaraan kung patuloy parin tong nagiging bahagi ng bawat pahina ng iyong kasalukuyan?

---

       “ Ano ba nagustuhan mo kay Kent huh?” Tanong ko kay Mark.

       “ Lahat lahat sa kanya?”

       “ Di nga?”

       “ Oo, Lahat lahat kay Kent.”

       “ Gaano mo sya kakilala? Anong alam mo sa kanya? Mark hindi mo sya kilala, bago mo sabihing mahal mo sya. Kilalanin mo muna kung sino talaga yung sinasabi mong mahal mo.”

       “ I know him Ethan, Kilalang kilala ko sya.”

       “ How?” umiwas lang sya ng tingin. “ Matagal na kaming magkaibigan ni Kent at kahit isang beses hindi-”

       “ Dahil kay Russel.” putol niya sa sasabihin ko. Tanging paglunok lang yung nagawa ko habang nakatitig sa mukha niya.

       “ Kilala mo si Russel?” maang ko.

       “ Kilalang kilala.” Saad niya. Tila nanuyo yung lalamunan ko ng mga oras na yun habang nakatitig ako sa mga mata niya, pano niya nakilala si Russel? Parang kahit kailan naman hindi ko sila nakitang magkasama. “ Member ng youth club ng simbahan si Russel, member din ako dun at bukod dun naging part sya ng choir.” saad niya na tila nahulaan kung ano yung iniisip ko.

       “ Eh pano mo nakilala si Kent?”

       “ Kaibigan ko si Russel, we’re best of friends ” seryosong saad niya.

       “ Pero? How?”

       “ Anong how?”

       “ Paano mo sya naging kaibigan? I mean..”

       “ Gaano niyo ba katagal nakilala si Russel? Isang buwan? Dalawa? Tatlo? Gaano katagal?”

       “ Mas matagal silang magkakilala ni Kent.”

Trombonista Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon