Chapter 25

1.3K 58 29
                                    


Trombonista ng buhay ko
Chapter 25

SI MARK

Oras, sa bawat patak nito katumbas ng isang sandaling di na pwedeng balikan, sandaling sa paglipas ay magiging isang ala-ala na lamang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oras, sa bawat patak nito katumbas ng isang sandaling di na pwedeng balikan, sandaling sa paglipas ay magiging isang ala-ala na lamang. tulad ng isang orasan na tila hindi napapagod sa pag ikot, mga kamay na hindi nangangalay sa pag galaw, mga numero na hindi nababago, oras na tatatak ngunit lumilipas.

Ngunit sa paglipas ng panahon, baterya nito'y nauubos.

biglang hihinto.

biglang titigil ang galaw.

Di sigurado kung kailan, pero darating ang araw na ito'y mawawalan ng lakas, mga kamay di na gagalaw, mga numerong di na masisilayan at bateryang di na muling magpapakinabangan. darating yung panahon na ang dating tila walang katapusang pag ikot ay bigla nalang hihinto at di na muling iikot.

Malayo palang yung tricycle ay natanaw ko na  yung taxi sa harap ng bahay namin, agad naman akong nagpara ng makita si Mommy na lumabas ng gate, pagkabayad ay bumaba na agad ako.

Oh my God, that's her!

“ Mom!”sigaw ko ng makitang bubuksan niya yung pinto ng taxi, kita ko naman na napalingon to sa kinaroroonan ko, ngumiti lang ako kasabay ng patak ng luha.

Oh God I really want to hug her...Mom...

Gusto ko makita yung ngiti niya, gusto ko makita hindi lang sa picture kundi mismong ngiti niya na ako ang dahilan, i want to see her smile.

Aktong hahakbang ako ng makitang binuksan niya yung pinto ng taxi saka agad sumakay dito.

“ Mommy?” bulong ko saka agad tumakbo pero nagsimula umandar yung sinasakyan nito, nabalot naman ako ng kaba kasabay ng sunod sunod na pagtulo ng mga luha sa mata ko. Why bakit sya aalis?  Bakit? Bakit aalis sya… “ Mommy” harang ko sa taxi para huminto.

Sunod sunod na busina lang yung narinig ko.

Damn it, No, please… hindi naman sya aalis di ba? No! Hindi pwede!

Agad lang akong lumapit sa bintana kung saan sya nakaupo kita ko lang na deretso yung tingin niya habang may luha sa mga mata, agad ko naman kinatok yung bintana ng taxi.

“ Mommy? Bakit po kayo aalis? Mom, kausapin niyo po ako please… Mommy ako to? Si Mark.. mom please talk to me please?” Umiiyak na saad ko habang pinagmamasdan yung mukha niya sa loob ng sasakyan na yun. “Mommy, Si Mark po to? Yung anak niyo po. Mom buksan niyo po please? Mom I love you, Mom please bakit po kayo aalis? Gusto ko na po kayo mayakap, Mom please open the window?" Umiiyak na saad ko.

Nataranta lang ako ng makita yung pagbuka ng bibig niya kausap yung driver, halos manghina ako ng muling umandar yung taxi.

“ Mom sandali lang po.” Katok ko sa bintana. Kita ko lang yung pag iyak nito. “ Mom, si Mark po to, Mommy ako to, please wag po kayong umalis.” Saad ko kasabay ng mabilis na paghakbang. “ Mommy…. Please po.” haggang yung mga  hakbang ay naging takbo, pilit sinasabay yung andar ng taxi.

Trombonista Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon