Trombonista ng buhay ko
Chapter 26The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI MARK
Minsan sa buhay natin may taong darating, yung di mo inaasahan na magbibigay ng ngiti hindi lang sa labi kundi pati na rin sa iyong puso, taong magiging dahilan ng bawat pagmulat mo tuwing umaga, taong mas madalas pang sabihing mahal ka kesa pagsabing mahal mo sya, taong di lang basta ngingiti kapag nakikita ka bagkus may kasamang yakap tuwing maglalapit ang inyong mga katawan. Yung taong magbibigay sayo ng pangako na kahit di niya tuparin ay ayos lang, taong mahawakan mo lang yung kamay para ka ng nasa isang paraiso.
Mga paro parong halos hindi magkamayaw sa paglipad sa iyong sikmura tuwing lalapit ang mga labi niya.
Kilig na napakahirap pigilan tuwing titig sya at magsasabi ng “ Mahal kita.”
Taong magsasabi sayo ng “ I’m here.” Kapag nasasaktan ka.
Yung taong pupunas ng luha mo dahil mas masakit para sa kanya yung makita kang umiyak.
Ganito pala kasarap magmahal… para kang nasa paraiso at tanging mga bulaklak ang nasa paligid niyo habang magkalapat ang katawan at nakatitig sa mukha ng bawat isa.
“ I Love you.” Bigkas ng labi niya kasabay ng isang matamis na ngiti habang nakatitig sa aking mukha.
“ Ethan, I love you too.” Saad ko na hindi maalis yung tingin sa napakagwapo niyang mukha, ramdam ko yung yakap niya, yung init ng palad niya na nasa likod ko. Mga bisig na napakasarap sa pakiramdam tuwing yayapos sa aking katawan.
Maybe I’m a great hero in my past life to deserve someone like him in my life now.
Kasalukuyan kaming nasa lumang bahay naming nun, Iniwan ako ni Mommy pero si Ethan, kasama ko pa sya..at sya ang pinakahalaga sa buhay ko ngayon.
Nilapit niya lang yung mukha niya saka dahan dahang naglapat yung mga labi naming dalawa.
“ Mark hindi ko sasabihing you’re mine, kasi sayo na ko.. I’m Ethan Adrian Zarate, I’m yours.” Hawak niya sa kamay ko saka dinala sa dibdib niya.
“ Am I dreaming?” saad kong habang hinahaplos yung mukha niya.
“ You can kiss me if you want to know if this is real?”matamis na ngiti niya tumingkayad lang ako saka inabot ng labi ko yung mapupula niyang labi, isan g ngiti lang yung kumawala sa kanya saka hinapit yung bewang ko at masuyong sinagot yung bawat galaw ng labi ko. Pumikit lang ako saka dinama yung sandaling yun.