Trombonista ng buhay ko
Chapter 27The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI MARK
May mga tagpong natatapos, mga pangyayarxeng nagwawakas, mga sandaling sa paglipas ay magiging alaala na lamang pero may mga bagong kwentong nagsisimula, mga bagong talatang unti unting nabubuo, paksang dahang dahang nabibigyan ng kulay. tulad ng muling pagsikat ng araw sa umaga upang magbigay ng bagong liwanag, pamumukadkad ang mga bagong bulaklak upang magsaboy ng bango.May mga bagay na dapat pinapahalagahan, mga sandaling dapat dinadama, mga pagkakataon na dapat sinusulit, kasi may mga bagay na hindi mo maihahantulad sa nakaraan at hindi na ito muling mauulit sa kasalukuyan.
“ Yaya, It smells good.” Saad ko habang nakangiting nakapanglumbaba sa mesa habang pinapanuod yung pagluluto niya. Alam ko hanggang ngayon ay hindi parin tanggap ni Yaya si Ethan na maging karelasyon ko pero nakikita ko na sinusubukan niya at alam ko darating ang panahon na makakaya niya nang ngitian yung taong sobrang mahal ko ng hindi pinipilit ang sarili.
“ Malapit na to.” Lingon niya sakin. “ Yung kuya mo umalis kanina, nagpaalam na pupunta daw syang bagiuo kasama si Calix.”
“ Nasabi nga po niya sakin last night pero babalik din daw po agad sila bukas.” Saad ko saka tumayo at lumapit kay Yaya Glenda. “ Ya, I love you.” Ngiti ko saka yumakap sa likod niya. Hindi man sya yung totoong nanak ko, pero pinaramdam niya sakin paano nga ba magkaroon ng isang mapag mahal na ina.
Kung wala siguro si yaya para tumayong nanay sakin, naging miserable siguro yung buhay ko.
“ Amo’y pawis ako Mark.” Natatawang saad nito.
“ Bango bango nga po niyo eh.” Saad ko saka inamoy amoy yung ulo niya.
“ Mark di pa ko naliligo.” Saad nito pero hindi na ko nagsalita, nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Hindi naparamdam sakin ni Mommy kung paano mahalin pero si yaya Glenda kahit kailan hindi nagkulang sa pagbibigay ng pagmamahal bilang isang tunay na ina, tuwing pakiramdam ko nag-iisa ako..laging nakalahad yung kamay niya upang muli akong bumangon.
“ Mark, kung nalulungkot ka.. o kung gusto mo umiyak..nandito ako.” Rinig kong saad ni Yaya
“ Yaya, Sana po kayo nalang po yung nanay ko.” Bulong ko habang nakayakap sa likod niya. “ Kung kayo siguro yung nanay ko, baka Masaya po ako kasi alam ko hinding hindi niyo ko hahayaang umiyak, hindi niyo ko pababayaan at hindi niyo po ako sasaktan.”
“ Mark mahal ka ng Mommy mo? Wag na wag mong iisipin na hindi ka niya mahal kasi sobrang mahal at mahalaga ka sa kanya.”
“ Pinipilit ko pong paniwalaan na mahal niya ko, pero ang hirap po.” Saad ko saka hinayaan yung luha sa mata ko. “ yaya pinipilit ko po syang intindihin, gusto ko syang maintindihan pero kahit anong isip ko hindi ko talaga alam bakit niya ginawa yun, bakit niya ginagawa sakin to? Ya anak niya po ako pero bakit po parang galit sya sakin, bakit parang ayaw niya ko makita.. may nagawa po ba ko?”