Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 18DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI MARK
Pinanganak akong hindi kilala ang sarili, walang pangalan, lumaki na puro tanong ang nais bigkasin, mga bagay na gusto malaman kung saan nga ba nagmula ang isang tulad ko. Kung sino talaga ko, kung sino nga ba yung lalakeng lagi kong kaharap sa salamin.
Sino nga ba yung lalakeng laging nakatingala sa langit habang pinagmamasdan yung madilim na ulap na laging nakaabang sa bawat hakbang na ginagawa niya, sino nga ba ko? Bakit ako humihinga, bakit ako patuloy na nabubuhay? Bakit patuloy na bumabangon sa bawat pagsilip ng araw? Nakaabang sa bawat pagkawala ng kislap ng buwan. Sino ba ko? Bakit patuloy akong lumalaban? Bakit pa ko nandito? Bakit pilit kong nilalanghap yung hangin na sa pagdating ng panahon ay iiwan din ako. Bakit ako umiinom ng tubig na lulunod sakin. Bakit nananatili akong nakatapak sa lupang magbabaon sakin kasama ng aking mga ala-ala.
Bakit?
Hindi ko alam, hindi ko alam ang sagot.
Ang alam ko lang... Gusto ko magmahal, gusto ko maranasan magmahal at higit sa lahat maramdaman ang mahalin. Gusto ko makita yung taong magpapakilala sakin ng sarili ko, taong magpapakita kung sino yung totoong ako, taong magiging dahilan kung bakit ako lumalaban, taong handa akong samahan hanggang sa araw ng aking pagsuko, sa araw na huli kong mamasdan ang kislap ng isang butuin, taong sasama para damhin ang huling haplos ng init ng araw, huling palad na dadampi sa malamig kong mukha, huling taong magiging laman ng huli kong salita. Taong pagmamasdan ang huli kong sulyap sa mundo, taong magsasabi ng huling kataga na maririnig ng aking mga tenga.
Yun lang ang gusto ko, wala akong rason para mabuhay pero gusto ko magkaroon ng dahilan kung bakit ako hindi sumusuko. Magmamahal ako at mamahalin.
Pero..
Love? Minsan lang yan dumating at kapag dumaan minsan di mo mapapansin.
---
Tila namamanhid yung paa ko ng mga oras na yun, gusto humakbang ng mga paa ko ngunit di ko magawa dahil ko alam kung saang dereksyon magsisimula. Nagsimula mangilid yung luha ko pero pilit ko tong pinipigilan, pilit tinatago. bakit ba nasasaktan ako? ang gusto ko lang naman ay mahalin. Nagawa ko ng magmahal pero bakit napakahirap para sa kanya ang suklian yun.
“ Mark are you okay?” untag sakin ni kuya, sunod sunod naman yung pagtangong ginawa ko. “ Umalis na sila.” saad niya, nakagat ko lang yung labi ko at hindi pinansin yung sinabi niya.
“ Kuya hindi ko na makita sila Kent.” lingon ko sa paligid habang pilit hinahanap ng mata ko sila Ethan. Tapos na nun yung seremonyas na paglakad ng parol, unti unti na ring humuhupa yung dami ng tao sa loob.
“ Let’s go?”
“ Pero sila Kent?”
“ Mark, baka nauna na sila.” saad ni Kuya saka hinawakan yung kamay ko.
“ Kuya teka.” taggal ko sa kamay niyang nakahawak sakin, Muli ko lang nilibot yung tingin ko sa paligid, haixt. Nang lumingon ako kay Kuya kita ko lang yung titig niya sakin, mga titig na tila na lagi kong nakikita.. Mula sa sarili kong repleksyon sa salamin.