Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 13DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
FLASHBACK
SI KENT
Ang buhay ay parang ulan pwede mo syang saluhin gamit ang iyung palad pero di lahat ng patak masasalo mo, Di lahat dadaan sa palad mo, di lahat ng patak dadampi sa balat mo. Oo, may masasalo ka pero unti unti itong mawawala, dahan dahang aagos hanggang maging isang ala-ala na lamang.
Ang buhay ay parang patak ng ulan, Galing sa taas na kasabay ng luha na babagsak mula sa malungkot na mga mata. Patak ng ulan na sumasabay sa lipad ng isang eroplano na nagdadala ng kakaibang kapangyarihan para dalhin ka sa ibang lugar.. Sa lugar kung saan ka minsan naging masaya.
Para itong buhos ng ulan na di titigil kahit basa ka na.
Para itong buhos ng ulan na di tumitigil hanggang malunod ka.
Ang buhay ay parang ulan, lilipas, hihinto, mawawala at kasabay ng pagsikat ng araw ay ang pagkabura ng bawat bakas na kahit kailan ay di na muling makikita sa kasalukuyan... Bakas na mananatiling na lamang na isang ala-ala habang buhay.
--
Nakatayo ako nun sa harap ng presinto habang pinagmamasdan yung patak ng ulan. Bukod sa malakas na pagbuhos nito ay wala na kong ibang marinig. Sa tunog nito habang bumabagsak hanggang sa paghalik nito sa uhaw na lupa. Damang dama ko nung panahong yun, yung lamig ng hangin sa balat ko, yung banayad na pag ihip nito na nagdadala sa tuyong dahon na galing sa matandang puno. Nang mga sandaling yun pakiramdam ko napakatahimik ng buhay ko.
Pakiramdam ko normal ako.
Pakiramdam ko tao ako.
This is my real story and let me introduce the real me.
I’m Andrei Kent Lee, Kent para sa marami pero Andrei para sa nag-iisang taong minahal ko.
Pero bago yun, gusto ko muna ikwento kung saan nga ba ko galing at kung sino talaga ko.
Kung anong buhay nga ba ang mayroon ako.
Ilang taon akong lumaking walang magulang, tanging si Lolo lang nag-alaga sakin pero dahil sa katandaan nito ay napabayaan ako, dahil dun mas naging bahay ko ang kalsada kesa sa sarili naming tahanan.
Sa araw araw kung sino sino ang nakahalubilo ko, lasengero, tambay, sugarol kahit magnanakaw at sila ang humubog sa katauhan na meron ako ngayon. Natuto akong dumiskarte para samin ni Lolo sa tuwing di nagpapadala si Mama na nasa abroad. Natuto akong magtrabaho habang labas masok si Papa sa hospital dahil sa kung ano anong sakit niyang di ko maintindihan.
Musmos palang ako nang mamulat ako sa totoong mundo.
Lahat na ata ng mura sinalo na ng tenga ko dahil sa pamimilit ko sa bawat taong dumadaan sa kalsada para bumili sa kung ano anong tinda ko, lahat ng masasakit na salita at panlalait natanggap ko dahil sa mga gusgusin kong damit na di ko magawang labahan. Hanggang natuto ako makibagay, hanggang natuto akong sumabay sa bawat salita na binabato sakin. Hanggang natuto akong humakbang habang binabato ako mula sa likod.
![](https://img.wattpad.com/cover/66303299-288-k340200.jpg)