Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 22DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI MARK
Isang halik, simpleng pagdampi ng labi na tila ayaw ko ng bitawan pa, tagpong ayaw ng matapos, mga haplos na nagdala ng kakaibang mahika sa puso, halik na biglang bumago sa lahat ng gusto ko, halik na tila droga na bumaon sakin sa napakalalim na hukay, hukay na di ko na alam kung maahunan pa. Halik... halik na naging mitsa ng pagsabog ng pag ibig na matagal ng tinatago. Pag ibig di akalain na pwede palang mangyare, pagibig ko sa kanya na tanging sa pangarap lang naipapadama.
Pagmamahal nga ba... pagmamahal nga ba itong nadama ng puso..
o isang ilusyon na nais matupad mula sa isang pangarap?
Sabay sa pagpikit ng aking mga mata ay ang kusang pag galaw ng aking mga labi, dinama bawat dampi, nilasap bawat sandali at nagpasailalim sa mahika na tanging pag ibig lang ang kayang umintindi.
Pagmamahal... Pagmamahal nga ba o isa lang ilusyon na nais matupad ng puso?
--
Pagkatapos isalang yung sinaing sa kalan ay dumeretso na ko sa sala pero tanging si kent nalang yung naabutan ko dun habang naka-upo sa upuan at nanunuod ng tv.
Kasalukuyan akong nasa bahay ni Ethan nun ng dumating si Kent, ang balak ko sana ay magluto para kay Kent pero dahil walang laman yung ref niya ay inutusan nalang ni Kent si Ethan na bumili ng ulam sa labas.
" Umalis na si Ethan?"
" Oo." Maikling sagot niya, napalunok naman ako. Talaga bang kaming dalawa lang tao sa loob ng bahay na 'to? Oh god! " Thanks nga pala dito huh, seryoso thank you." Ngiti niya habang nakataas yung wrist niya kung saan nakalagay yung kwintas na bigay ko sa kanya nung pasko.
" Salamat din kasi sinuot mo."
" Maganda kasi eh. "
" kala ko isasangla mo eh."
" Well kapag kinapos ako pera di malayong gawin ko yun."
" Uhm no please, wag mo gawin yun kung kailangan mo ng pera? Nandito naman ako eh. " Pilit na ngiti ko pero isang payak lang na tawa yung narinig ko sa kanya. " Seryoso ako dun Kent, Kung pera lang naman kaya ko naman ibigay yun eh."
" Plano mo ba talagang maging bakla na gumagastos sa lalake?"
" Uhm kung para sayo naman, mas mahalaga ka kesa sa pera." Saad ko. Napatango naman sya.
" Talaga? "
" Kent, mahal kita kaya kaya okay lang kahit perahan mo ko -- mahalin mo lang ko."
" Mark mukha kang gago."
" Kent I'm serious. "
" Di ko kailangan ng pera mo , Kaya ko naman kitain yun eh."
" Kent."
" Alam mo kailangan ko? " tanong niya, tanging paglunok lang yung nagawa ko habang nakatitig sa mga mata niya, hindi ko makahinga shit!! " Mark tingin mo ano kailangan ko?"