Trombonista ng buhay ko
Chapter 23" Intertwined"
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI JASPER
Sabi nila, hanapin mo at piliin mo kung sino yung magpapasaya sayo. Mahalin mo at alagaan mo yung taong magbibigay ng ngiti sa mga labi mo. Bigyan ng oras at pahalagahan kung ito'y iyong nasa mga kamay na. Protektahan at ipaglaban kung kinakailangan.Happiness? Love? Dalawang salitang sa mundo to ay napakahirap makuha. Dalawang salitang di madaling matagpuan. Dalawang salitang kailangan ng tapang at lakas ng loob upang ipaglaban. Minsan kailangan pagtrabahuhan, minsan kailangan hanapin at higit sa lahat may pagkakataon na kailangan mo itong agawin.
Love is not a war, but we need to fight in order to have the love and the happiness that we deserve.
I'm Jasper Schoneberg and this is the beginning of my own love story.
" You're really into guy?" Maang sakin ng kaharap ko na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang pangalan. Nakilala ko sya sa isang bar two months ago, my looks, halatang imported pero pinipilit makiuri sa bansang to.
Halata naman kasing kinulayan niya lang yung buhok niya ng blacķ.
Dahil halata din naman na may ibang lahi ako kaya malamang akala niya magkakasundo kami.
Pwede naman, pero ayoko.
" I thought you knew." Kibit ko ng balikat saka tinungga yung bote ng beer sa harap ko, kasalukuyan kaming nasa isang bar nun habang nakikinig ng tugtog ng isang banda na nasa stage ng lugar na yun.
" So, if you are gay...Uhm."
" Don't worry you're not my type." Putol ko agad sa sasabihin niya. Isang payak na ngiti lang yung kumawala sa mga labi niya, well he's really handsome and I think he's sexy it's just that I don't feel anything towards him. Mukha sya yung tipong nakikipag one night stand kung kani kanino. Tipong kahit sinong magustuhan lalapitan at yayain.
Maraming katulad niya sa ibat ibang bansang napuntahan ko.
A type na malapit ng maging ako pero sana wag naman mangyare, haha anyway alam ko yung mga tipo ng lalakeng to, sinusubukan ko rin naman minsan yung mga kagaya niya pero wala ako sa mood ngayon, what I want now is to be alone na parang imposible na ata.
" Hindi ako naniniwala, you know we can get a room. I know a place? " Ngiti niya.
" what is your name again?"
" Harvey and you are Jasper right? Let's go?"
" No thanks, Dude you're not my type okay and can you get your own table please?"
" Not your type?"
" Yeah."
" Are you sure?" Kita lang sa mukha niya yung pagtataka at pagkamangha. Mukha syang mayaman pero parang may iba sa kanya.
" Of course."
" Really?"
" yeah, gaano ka kadalas na pumupunta dito?" Tanong ko habang tila di parin sya makapaniwala sa sinabi ko.
" Nandito ka kasi naghahanap ka ng mafufuck? Oh I get it. You're top? Well parehas nga tayo kaya siguro di mo ko type." Mahinang ngisi niya. Marahan nalang ako tumango saka tinuon yung atensyon sa bandang tumutugtog, mukhang ang hirap kausap ng lalakeng to.. " So naghahanap ka ng mafufuck?" Maya maya saad niya na ikinalingon ko.