Chapter 14

1.2K 27 6
                                    

Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 14

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.

AUTHORS NOTE: Guys ito na! Hehe suggest ko lang na basahin niyo form chapter 13 hanggang dito para buong buo hehe salamat sa lahat nang naghintay, mwuah mwuah mwuah!!!

PRESENT

SI MARK

           

Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 14

AUTHORS NOTE: Guys ito na! Hehe suggest ko lang na basahin niyo form chapter 13 hanggang dito para buong buo hehe salamat sa lahat nang naghintay, mwuah mwuah mwuah!!!

PRESENT

SI MARK

       Gigising sa umaga, matutulog sa gabi, gigising at muling matutulog. Life is an endless cycle, Umiikot ang mundo at walang sinuman makakapagsabi kung kailan ito titigil, Life is just a cycle, masasaktan, iiyak pagkatapos ay sasaya, ngingiti ngunit darating ang araw na muling luluha.

       Life is a cycle and it has no corner. Wag kang tumigil sa isang lugar, Wag kang huminto sa isang sulok, sabayan mo yung ikot, sumabay ka sa galaw, magpadala sa kumpas, hayaang liparin ng hangin, humakbang ka at magpaanod sa agos ng buhay, hayaan mong mapagod ang hangin na humahampas sayo, hayaan mong maubos ang tubig na pilit kang nilulunod.

       It’s the only way to live, the only way to stay alive. Hindi ka mabubuhay kung hindi ka hihinga at hindi ka makakausad kung hindi ka hahakbang.

       Kung tingin mo hindi mo na kayang sumabay, isipin mo lang yung dahilan kung bakit di ka tumitigil sa paghakbang, Life is just a cycle and it’s endless, as of the moment of course. Tumigil ka man o hindi, hindi parin titigil ang ikot. So why stop?

       God has a plan, just trust him.

--

       Pagpasok ko sa kwarto ay pabagsak akong nahiga sa kama saka tumitig sa kisame na tila naduon lahat ng sagot na gusto kong makuha. Sa kisame na lagi kong kaharap tuwing nag-iisa.

       Bakit ba inisip ko na naging maganda yung buhay nila kasama si Daddy?

       Bakit ba inisip ko na naging masaya si Papa na iniwan niya kami?

       Bakit ba inisip ko na ako lang yung nasaktan sa lahat ng nangyare at sa kung ano mang pamilya yung binigay sakin ng nasa taas?

       Bakit ba inisip ko na ako lang yung pinagkaitan ng masayang pamilya?

       Mga tanong na ang tanging laman ay ‘bakit’. Mga tanong na gustong gusto kong bigyan ng sagot.

       Nakulong sya ng labing apat na taon, labing apat na taon ding lumaking walang tumatayong ama si Kuya at si Danny, labing apat na taon? Napakahabang panahon at pagkatapos nun hindi parin naramdaman ni Kuya Harvey na may tatay sya.

       Hindi ba talaga magiging fair ang mundo? Kailangan bang maghirap muna bago sumaya? Paano kung puro na hirap ang naranasan mo, pwede na bang magtanong kung kailan ka nga ba sasaya?

       Nagsimula lang tumulo yung luha ko pero agad ko tong pinunasan.

       Di ko maimagine yung lungkot ni Kuya nun, ako lumaki akong walang magulang pero parang mas mahirap na lumaki na kasama mo yung magulang pero parang wala rin sila.

Trombonista Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon