Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 15The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
AUTHOR’S NOTE:
Oooppss pasensya na kung late yung update, mejo busy ang lolo niyo, haha. Guys enjoy life habang may oras pa.. Hehe don’t miss a thing ika nga hahaha! Super maappreciate ko kung magbibigay kayo ng oras para magcomment, super.. Hehe, parating na yung totoong problem, I know marami or may makakarelate dito.
--Love you guys at sali kayo sa group, Search ‘Bluerose’ lang, closed group sya so lahat ng nakapost dun ay mga member lang makakakita so wala dapat ikatakot hehe in case na tago ka. Mwuah mwuah love lots!
SI KENT
New beginning? Bagong simula? Ang sabi nila napakahirap tanggapin ang isang wakas, na pinakamalungkot na parte sa lahat ay pagtatapos, Pero di ba ang isang simula ay parte lang ng isang pagtatapos na galing din sa isang simula at magiging parte ng bagong simula na patungo sa panibagong pagtatapos.
Pa-ikot ikot lang ang buhay, maaring nadapa ka ngayon pero lagi tayong binibigyan ng pagkakataon para muling bumangon, para muling tumayo, para muling magsimula.
Lahat tayo nadadapa, lahat nagkakamali, lahat may nakaraan, lahat may gustong kalimutan, lahat may tinik na minsan tumusok sa marupok natin puso. Pero kahit kailan hindi dapat maging hadlang ang isang madilim na nakaraan sa maliwanag na kasalukuyan. Hindi dapat maging sagabal ang isang masakit na ala-ala sa pagdating ng isang panibagong umaga.
Lulubog ang araw, didilim ang paligid pero sa pagsapit ng bukang liwayway ay ang muling pag-ngiti ng isang panibagong umaga kasabay ng pagsabog at pagkalat ng liwanag na magdadala ng bagong pag-asa.
Muli mong imulat ang mata at pagmasdan ang isang bagong simula, muli kang humakbang patungo sa isang panibagong pagtatapos.
---
Napatingala lang ako ng marinig yung malakas na kulog kasabay ng kidlat na ilang segundong nagpaliwanag sa paligid. Mga tunog na lagi akong binabalik sa isang malungkot na ala-ala. Mga tunog na sumasabay sa tibok ng puso ng taong nangungulila.
Sa di kalayuan agad nahagip ng mata ko yung yung pagsandal ni Mark sa saradong tindahan. Tila to biglang nanghina na ang tanging nagawa ay itukod ang kamay para manatiling nakatayo.
“ Tingin ko hindi okay si Mark.” saad ni Ethan.
“ Tangina, ano ba kasi ginagawa niya dito!?” simangot ko, napanganga lang ako ng biglang tumakbo si Ethan at sinugod yung malakas na ulan. “ Hoy gago!” habol ko sa kanya, nakita ko naman na bumagsak na si Mark, halos madapa naman si Ethan sa pagtakbo hanggang makalapit sya dito at agad kinandong yung ulo ni Mark sa hita niya.
“ Mark, are you okay?” Tapik niya sa mukha nito. “ Kent nawalan sya ng malay!?”
“ Ano gusto mong gawin ko?”
“ Damn it! Tumawag ka ng tulong!”
“ Tangina ano ba kasi ginagawa ng baklang yan dito! Anong oras na ah?” simangot ko saka nilibot yung tingin sa paligid, bwiset talaga! Nang mga oras na yun ay wala ng dumadaan na tricycle kaya pumagitna ako sa kalsada para tumanaw sa malayo kung may paparating na sasakyan ngunit tanging pagbuhos lang ng ulan ang nakita at narinig ko.