Chapter 1:Curious?

49.3K 438 43
                                        

Chapter 1: Curious?

-Flashback-

Nasa park ako, nung 7 years old. Kasama ko si Kuya Tikoy at si Tammy(tagal naming magkasama, since Kinder pa! :) ). Naglalaro kami ngsaranggola. Ang saya-saya namin, hanggang may nakita akong batang lalaki na umiiyak sa gilid. May katabi siyang gitara.

"Patid, wait lang." sabi ko kay Kuya Tikoy. "Patid" tawagan namin ni Kuya, meaning "kapatid".

"San ka punta?" tanong niya. 8 siya non, deretso magsalita. 

"May bata don, kuwa."

"Saan?" naman ang tanong ni Tammy.Nagturo ako ng bench sa baba ng isang puno ng mangga, kung nasaan angbata.

"Nasiwa yata gitawa." natawa ako sa pag-salita namin noon. Nagiging"W" ang "R" namin. :))

"Puntahan ko, patid." ibinaba ko saranggola ko at pumunta sa bata.

Ang taas pa nun ng bench. Kailangan pang gumapang pataas. >.<

"Hello, bata." sabi ko.

He sniffed and rubbed his eyes. "Wag mo akong kausapin." sabi niya.

Kinuha ko ang gitara sa tabi niya. Sira nga. Naputol ang string.

Tapos na-alala ko ang pagturo sa'kin ni papa kung may nasirang stringsa gitara. Mahilig kasing mag-gitara papa ko, eh.

Bago yung araw na namatay ang papa ko, may ibinigay sa 'king string sipapa.At dahil naawa ako sa bata, itinanggal ko ang string niya at kinuhaang sa 'kin. Inayos ko at ibinigay ko sa kanya.

"O bata." sabi ko sa kanya. " Gitawa mo, ayus na."

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. "Salamat!"

Tumawa ako ng kaunti. "Wag ka na malungkot, bata." sabi ko sa kanya."Mawunong ka ba mag gitawa?"

Tumango siya. "Oo. White hiw waiting."

Napangiti ako sa sarili ko. W rin pala yung R niya?

"Sige nga." sabi ko sa kanya. "Tugtog ka."

Ikinuha niya ang gitara at itinugtog ang "Right here waiting". Dinaman gaanong mahirap, isang string lang yata ginagamit, eh. Pero infairness, ha. 7 palang, eh marunong na mag gitara. Pero may gasgas yung gitara niya nun, eh. Natandaan ko pa yung eksaktong itsura.


Ang hindi ko talaga maiwasang tignan ang pick niya. Kulay red ito namay konting fade na orange at yellow.

Pagkatapos niya itugtog, humarap siya sa 'kin. "Salamat nga pala satuwong mo." sabi niya. "San mo nakuha yung stwing?"

"Sa papa ko yan. " sabi ko sa kanya. " Binigay niya sa 'kin bago namatay. "
Pagkasabi ko sa kanya, di ko napigilang umiyak.

"Sowwy." sabi niya sa 'kin sabay yakap.

"Okay lang yun. " sabi ko sa kanya.

Bumitaw siya at ibinigay niya sa 'kin ang pick niya. "Sa 'yo nalang." sabi niya.

"Pawa saan?" tanong ko sa kanya.

"Kapawit ng stwing mo."

Ngumiti ako. Ang cute niya, sweet pa.

"Anak!" may sumigaw galing sa malayo. "Alis na tayo."

Yumakap sa 'kin yung bata. "Salamat ulit sa stwing." sabi niya.

"Walang anuman." sabi ko sa kanya. "Salamat sa pick."

Tapos may binigay akong bracelet sa kanya. Gawa naman namin ni mommy yon. Brown sita na may parang wood sa gitna, nakasulat "LOVE". "Pagmag nagtanong kung sinong nag ayos ng gitawa mo, sabihin mo yung mayawi nito ang nagbigay. Wag mo binigay kahit kanino, ha?"

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon