Chapter 31: Status, please?
Ella's PoV
"Good morning, kuya!"
Hihi. Ang sarap ng tulog ko, e. Ang ganda ng panaginip. Akin nalang, baka mahimatay kayo sa kilig. XD"Good morning."
Umupo ako sa pwesto ko. "Wow, kuya! Ang sarap naman nito. Tinitignan palang, e ang sarap na."
Omellete ang ulam. Oh, ano? Magaling na nga sa volleyball, magaling pa sa pagluluto. Kuya ko 'yan, e. ^___^
"Ngayon lang 'yan." sabi niya tapos tumawa.
Umupo siya sa tabi ko. "So, ano? MU na kayo ni Patrick? O kayo na?"
"Kuya naman." napatawa ako 'dun, a.
"Nagba-blush ka."
Hinawakan ko parehong pisngi ko. "Oh? Di nga?"
Tumawa siya ng konti. "Mukha kang kamatis."
~Ding dong!
"Ako na sa pinto."
Binitawan ko ang kutsara tinidor ko at binuksan ang pinto. "Ui! Patrick, anong ginagawa mo dito?"
Kinamot niya likod ng ulo niya. "Ahh... Gusto sana kitang ihatid sa school, ah... Kung, pwede?"
Ngumiti ako ng malaki. "Sige! Pero hindi pa ako nagbe-breakast, e. Ikaw ba?"
"Hindi pa rin, e. Pero--" I cut him off.
"Masarap ang luto ni kuya. Wala naman si mommy, 'di ba?"
"Hindi n--"
"Sige na, ang kulit pa, e."
Tumawa siya ng konti. "Sige."
Ngumiti ako at pinapasok ko siya sa loob.
"Kuya, meron pa bang natira?"
Pinaupo ko si Patrick."Siyempre, e tayong dalawa lang yung kumain, e. Ikaw pa nga hindi ka pa nakakakain."
Kinuha ko ang kutsara't tinidor ko at nag subo ng isang kutsara ng omelette at kanin.
***
"Sabay ka na rin sa 'min." yaya ni Patrick pagkatapos namin kumain.
"Wag na." umiling si kuya. "Masira pa yung moment niyo, e. Tiyaka kung makatingin si Ella e parang ayaw niya akong isama." tapos nag smirk siya.
"Hoi, a. Wala akong ginawa sa 'yo. Sama ka na kasi, para hindi awkward sa kotse."
"Sige na nga."
Kinuha ko ang bag ko at lumapit kay Patrick. Nginitian niya ako at lumabas na kami.
"O? Bakit Mercedes naman ngayon?"
Nag kibit-balikat siya. "Eh yan maliit, e. Pang limang tao. Tiyaka nag-deliver pa si papa ng perfume."
Pagkarating namin sa gilid ng kotse, bubuksan ko na sana ang pinto kaso inunahan ako ni Patrick. Ngumiti siya sa 'kin at pinauna ako sa loob. Siete ang gentleman naman! •^______^•
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanficPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...