Hello madlang peepow. Yung pinag-usapan natin, a? :)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 18: ElRick vs. JoshBie
Ella's POV
Nasa malapit na kami sa bahay ng nakita namin ang napakaraming tao na nakapalibot sa harap ng pinto namin.
"Excuse me," tawag ko. "Anong meron?"
Tumalikod sila lahat. "Ayan na sila!"
FLASH! CLICK! AHHHHHH....
"ElRick, how does it feel to take over the crowns of JoshBie?" nagtanong ang isa.
"What? Ano po ang sinasabi niyo? Sino po ang JoshBie? Sino po ang ElRick?" ang nasagot ko, habang tinatakpan ang mukha ko sa mga camera
nila.
"Haven't you heard?" tanong naman ng isa. "Kayo na po ang pinaka sikat na Loveteam dito sa probinsya."
"WHAT?!" napasabay-sabay kami ng sigaw ni Christian at Patrick.
"And it seems like love triangle pala kayo."
"Ano?!" sabay-sabay nanaman.
Tapos may naghablot sa aming tatlo papunta sa bahay.
Pagkapasok namin sa bahay, may tumawag sa 'kin.
"Girl!" si Tammy pala. "Ano banaman kasi ang ginagawa mo sa labas?"
Pinikit ko ang mata ko ng mahigpit at binukas ulit. "ElRick?"
"Ugh. Ella plus Patrick, girl. Nakita niya ang date niyo sa Trinoma."
"ANO?!" ngayon sabay naman kami ni Patrick. "HINDI YUN DATE!!"
Nilagay ni Tammy ang kamay niya sa bewang. "Kayong dalawa." tinuro niya kami. "Nasa mall. Inaakbayan mo.." tinuro niya si Patrick. "Si Ella habang naglalakad."
"Bwiset, sayang pa effort ko, e." napaupo ako sa sahig.
"Ano?" tinaas ni Tammy ang isang kilay niya habang naka-yuko sa 'kin.
"Tammy," hinawakan ni Patrick ang balikat ni Tammy. "Hindi mo pa kasi alam ang buong storya."
"Upo tayo." yaya ni Jason. "Baka magcollapse ka pa diyan, Ella."
Tumango ako at tinulungan niya akong tumayo. Umupo kaming apat sa
upuan sa sala.
"Aalis nalang ako," biglang sabi ni Christian. "Baka makapagsimula pa ako ng kung ano."
Tumango nalang ako. "Mag ingat ka. Baka habulin ka pa ng nasa labas."
Ngumiti siya sa 'kin. "Siyempre. Ako pahhh..."
"Tss. Sige, go na."
Kumaway siya kayna Jason at Tammy. "Alis na ako. Nice seeing you again."
Tango at ngiti naman si Tammy. "Sige."
"Bye." duet nina Jason at Patrick. Ito nanaman, parang pilit na ewan nanaman ang kay Patrick.
"Ay! Dumaan ka nalang sa likod." payo ko. "Baka matadyakan ka pa diyan."
Tumango siya at pumunta sa likod. Pagkasara ng pinto biglang nagsalita si Tammy. "So, ano ba ang nangyari?" tanong niya.
In-explain ang lahat ni Patrick. Mula sa school, hanggang sa Yakimix, tapos ang pagtakas namin at lahat-lahat. Hindi na niya sinali yung pagbuhat niya sa 'kin.
"Soooooo..." nagtaas ng isang kilay ulit si Tammy. " Yung date na 'yon.."
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
Fiksi PenggemarPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...
