Chapter 7: Kapalaran o kaaway?
Patrick's POV
May narinig akong bagsak. Sus! Lagot ako dito, first day ko palang! T-T
"Sorry, miss! Sorry talaga. " yumuko ako para tulungan siya, pero nauntog ako kasi inangat niya yung ulo niya.
"Aray!"
Tumayo kami pareho at nakita ko siyang umiyak.
"Sorry talaga, miss. Hindi ko sinasa--"
Nilagay niya ang cellphone niya na may malaking crack sa tapat ng mukha ko. "Tignan mo ginawa mo. Ilang linggo at buwan ako hindi nag lunch para lang dito!"
Ang sungit naman nito, di naman sinasadya, eh.
"Hindi ko naman sinasadya, eh. Nagso-sorry na nga yung tao."
"Bayaran mo 'to! Akala mo."
Nanlaki mata ko. "Anong bayaran?! Hindi ko nga sadya. Malay ko ba na dadaan ka?!"
"Ilang buwan ko tiniis ang gutom ko. Ang payat ko na nga, eh kailangan ko pa magpapayat ulit?"
"Ba, hindi ko naman kasalanan kung bakit ikaw yung nag ipon!"
"Bakit naman kasi pa-harang harang ka pa diyan, eh! Yan tuloy!"
Kinamot ko ulo ko. "Ang kulit mo, hindi ko nga sadya. Marami kayang tao dito?"
"Eh paki ko. Ikaw y---" na-interrupt siya ng kasama niyang naka violet na headband.
"Girl, pabayaan mo na 'yan. Hindi naman niya sadya, eh. "
Kinuha ng babae ang kamay ng nakabunggo ko.
"Pero---"
Tinignan niya ng seryoso. "Tara na. Wala siyang kasalanan."
Nag pout ang nakabunggo ko at humarap sa 'kin. "May araw ka rin." sabi niya, tapos ibinangga ang balikat ko. "Hm!" Ay, ang taray? Ang kulit naman. Hindi ko nga sadya, e.
"Pagpasensyahan mo na kaibigan namin." sabi ng babaeng naka-pink na headband. "Hindi lang maka-get over sa CP. May ka-text, eh."
Sumimangot ako. "Ok lang yun."
Ngumiti sa 'kin ang babae at sinundan ang nakabangga sa 'kin at sa naka-purple na headband.
Ella's POV, pagdating sa classroom nila..
Wahhh!! Nahulog yung iPhone ko!
Bwiset naman yung mokong. Akala kung sino!
Inilagay ko ang bag ko sa upuan ko at umupo. Paano kung may emergency? Paano pag ka-kailanganin kong tumawag kay mommy?
Magsisimula nanaman ako. Buti nalang naka-ipon pa ako. Naka 4,000 ako, galing sa Aguinaldo ko last year. Tapos naka 200 ako from January hanggang sa end ng school year.
"Sis. Ok lang yan." hini-himas himas ni Cassie ang likod ko galing sa
pwesto niya. "Tutulungan ka nalang namin. Simula ka ulit."
"Oo nga." sabi naman ni Tammy. "O kaya kumuha tayo ng part-time job."
Nag buntong-hininga ako. "Sige. Subukan ko."
"Pero infairness, ha." napatawa si Tammy. "Ang cute ng nakabangga mo kanina."
Yumuko ako. Honestly, oo naman. Cute siya.
Nasunog balat ko. Bumilis tibok ng puso ko.
Dubdubdubdubdub. Ano to? Ella, na love at first sight ka ba?
Hindi! OK ka lang? Nasira ang iPhone mo dahil sa kanya. Ang katagal-tagal mong iniipon na iPhone. Wag mong sabihin na na-inlove ka dahil doon? Tiyaka, si Batman ang mahal mo, hindi ba?
"Sis.." bulong ni Cassie. "Ang lalim ata ng iniisip mo?"
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...
