Chapter 13: Back to normal
Ella's POV
Lovely Sunday morning... Peaceful day.... Cold breeze.
Hindi ako makatulog. :|
Tsk.
It's about 5am at wala akong inisip kung hindi ang nangyari nung Friday. Tsk!
Nag-ayos ako at nagsuot ng simpleng yellow na shorts at stripes na t-shirt. Kinuha ko si BJ at bumaba sa kusina. Gutom lang kasi siguro.
Sana may cookies pa. Hihi.
Tumingin ako sa gilid-gilid, incase na makita ko si kuya Tikoy. Ngumiti ako ng hindi ko siya nakita.
Binuksan ko ang ref at nilagay si BJ sa isang sofa sa living room. Tinanggal ko yung t-shirt kasi kinailangan na labhan.
Binuksan ko ang ref. Sakto, may nakita akong 3 pirasong malaking cookies. Nilabas ko ang plato kung saan sila nakalagay at inilagay sa mesa.
Kumuha na rin ako ng Hot Choco at ipinakulo.
Matigas yung cookies pagka-sundot ko sa gitna sa isa kaya naisipan ko na ring ipainit ito. Kaso kailangan ko pang abutin kasi nasa mataas nakalagay yung maliit naming microwave oven. Ayoko naman kasing sunugin ang bahay kasi hindi ako marunong gumamit ng malaki na microwave na nasa ilalim ng stove. Nakakainis nga eh kailangan pang tumapak sa tabi ng sink namin. -.-
Siyempre naka-akyat ako. Kaso nung inaabot ko yung microwave may bigla akong natapakan na tubig at nadulas.
Pinikit ko mata ko at sumigaw.
Oh my gulay. Ayoko pa pong mamatay. Marami pa po akong plans sa buhay. Makapag-graduate, maging valedictorian sa college, makapag-trabaho, mag---
Teka, bakit may mainit na pressure sa balikat ko?
"O. Mag ingat ka kasi."
Nasalo ako. Pero sino 'to?
Binuksan ko mata ko ng paunti-unti.
Oh. My. Gosh.
-------------------------------------------
Rewind. Patrick's POV
5am. Nakatunganga lang ako sa kama ulit. Antok na antok. Bumibigat na yung eyelids ko. Feeling ko magmumukhang may black eye ako sa kapal ng eyebugs ko. Ang gulo ng buhok ko kasi pagulong-gulong ako sa kama.
Pero hindi parin ako makatulog.
Tsk. Pasok banaman ng pasok yung nangyari nung Friday. Bakit ko banaman kasi sinigaw 'yun, e. Yan tuloy. Wala na akong pinagti-tripan.
-_______________-
Tiyaka sinabi ko naman na konting konting konting konti lang ang feelings ko kay Ella. Why am I making such a huge deal about it? Tsk.
Tumayo ako sa kama at nag-ayos. Mag-sorry nalang kaya ako kay Ella?
Tsk. Sige na nga. Mag-sorry na ako. ISANG BESES LANG. Hindi ako ang tipong mahilig mang-sorry, alam mo yon?! >n<
Nagsuot ako ng jeans at black na t-shirt. Nagsuot na rin ako ng jacket kasi laging malamig pag umaga sa amin.
Siyempre kinailangan kong ingatan ang pag tapak ko sa floor kasi tulog pa sina kuya.
Buti nalang nakarating ako sa baba ng hindi nakakabasag ng kahit ano. Nanenerbyos kasi ako pagdating sa ganito. -.-
Nagsuot ako ng socks pagdating sa living room at kumuha ng converse. Lumabas ako and managed not to make any noise. (haha nosebleed)
Medyo nahirapan ako sa pag-unlock ng gate kasi maingay pag inu-unlock. Tapos hindi ko masyadong ma-hila yung susi galing sa sabitan kasi mahigpit yung pag-tali. Paano kaya 'to nakukuha ni yaya ng hindi nahihirapan tuwing umaga? :/
Naglakad ako ng medyo mabagal papunta sa bahay ni Ella, nag-enjoy kasi ako sa hangin, e.
Nakabukas ang gate ni Ella? May umalis ata.
Dinahan-dahan ko ang pagbukas ng gate at ng pinto para walang makarinig. Baka kasi natutulog pa si Ella, e.
Similip ako sa loob at napansin kong may cookies at hot choco sa dining table. May nagising ba o nag sleep walk?
Tapos may narinig akong parang gumagalaw na silverware. Nagtiptoe ako papunta sa mesa at tumingin kung saan ito galing.
Si Ella?
Parang may inaabot siya, e.
Tumingin ako sa inaabot niya. Yung microwave na maliit, nakalagay pala sa pinakataas.
Tapos may natapakan siyang kung ano at nagsimulang mahulog.
"AH!" sinigaw niya.
Tumakbo ako sa kanya at nasalo ko ng nasa balikat ko ang ulo niya at ang paa nakapatong pa sa tabi ng sink. Paano kaya siya bumagsak at nagkaganito pwesto niya?
"O. Mag ingat ka kasi." sabi ko ng nakayuko sa kanya.
Binuksan niya ang mata niya ng mabagal.
Ella's POV
Dubdubdubdubdubdub.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung nerbyos kasi muntik na akong nahulog, relief ng hindi ako nachuge o talagang na-surprise ako na si PATRICK nag nakasalo sa 'kin?!
Naka-ayos siya. Naka ayos ang buhok niya. Hindi yung naka-taas katulad ng dati. Naka porma? Anong meron?
Hinila niya ang kamay ko at tinulungan akong makatayo.
"Salamat." bulong ko sa kanya sabay tinginan sa mata.
Lumayo siya ng konti at nag-half smile sa 'kin. "You're welcome."
bulong niya.
"Anong ginagawa mo dito? May nakalimutan ka ba?" tanong ko in a
friendly way. Bakit? No comment.
Kinamot niya yung likod ng ulo niya at yumuko. "Gusto sanang mag-sorry."
Napangiti ako. "Sorry saan?"
"Sa iPhone mo. Tiyaka yung...." nag pause. "Yung sinabi ko nung Friday."
Patrick's POV
Kinamot ko yung likod ng ulo ko at yumuko. "Gusto sanang mag-sorry."
"Sorry saan?" sinabi niya ng parang may kausap na anghel. Siete ang sarap pakinggan.
"Sa iPhone mo. Tiyaka yung...." nag pause ako. "Yung sinabi ko nung Friday."
Humarap ako sa kanya.
Wala lang. Titigan. Ngayon, mataray ang mukha at naka cross ang arms.
"Tigilan mo na nga yang ngiting 'yan." sabi niya.
Tinaas ko isang kilay ko, naka half-smile parin. "Bakit? Nahuhulog ka sa 'kin, no?"
Nag pout. "Ewan ko sa 'yo."
Kumuha siya ng paper towel at pinunasan ang tabi ng sink. Tumapak siya ulit at inabot ang microwave na balak niyang kunin kanina. Umikot siya ng hawak ito.
Tumakbo ako papunta sa kanya at kinuha ang microwave galing sa kanya.
"Baka mahulog ka ulit. Ako na kukuha nito." hinawakan ko ng isang
kamay anv microwave at inabot ang kabila sa kanya. "Hawak."
Tinaas niya kilay niya. "Bakit? Concern ka?"
Pout naman ako. "Hahawak ka o hindi?"
"Hmpf." kinuha niya ang kamay ko at tinulungan ko siyang ibaba.
"O, hahawak ka naman pala. Pakipot pa kasi."
Nagpout naman siya. "Unggoy ka talaga. Tsk."
Binitawan niya bigla ang kamay ko at nilagay ko sa malapit sa saksakan ang microwave.
Siya nanahimik lang. Kinuha niya yung cookies na nakapatong sa mesa. Pinatong niya ito sa tabi ng microwave at kumuha ng tray. Inilagay niya ang cookies at inilagay niya sa loob ng microwave. Inikot niya ang timer at nagsimulang umilaw.
Humarap siya sa 'kin at ngumiti ng konti. "Salamat." sabi niya.
"Pangalawa mo na 'yan." sabi ko sa kanya, tapos nag half smile ulit.
Bumalik yung mukha niya sa pagiging mataray. "Ewan ko sa 'yo. Mag isa ka na nga diyan."
Tumalikod siya at nag hugas ng kamay.
Ngumiti ako at kinagat ko labi ko. Baka kasi makita niya, maging wagas ngiti ko.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/n: HOOOOOOOOOOOOOOOOOIIIIIIII. TAPOS NA. BITIN KA ATA? TSK. MAGTIIS
KA.
Haha, joke lang. Try ko update ulit. ^_^
Grabe, 2 days palang yung chapter 12, 701 reads ang nadagdag! This is my reward to you. Hope you liked it! ^^
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...
