Chapter 47: Wrong number

26.1K 219 39
                                    

Chapter 47: Wrong number

Tammy's PoV

Aba't ang kapal ng pagmumukha nitong asungot na 'to! Bwiset!

Hindi ko mapigilang mapasigaw ng nakita ko siya.

"Uh, Tammy?" tinignan ako ni Ella ng may halong pagtataka.

"Ah.. Practice lang! Hehe."

"Uh, ito nga pala... Si Lexi Fernandez." tinuro niya ang kasama niya.

Sabi ko na nga ba! Siya 'yun! Lang 'yaaaaaa! Magpasalamat siya...

"Si Lexi nga pala ang nagbigay ng 17k sa inyo."

Nganga. Ö @______@

"Ha?" yun lang ang nasabi ko.

"Galing namin mag-acting ano?" tumawa ng konti si Barbie. "Yung narinig at nakita mo sa banyo, planado lahat 'yun."

"Ha?" nganga lang ang masasabi ko. "Pano.. Pero... Yung... Hanak...  
Ack..."

Tumawa ng konti si Barbie. "May project kami para sa movie, and we really wanted to help you. Pinlano namin lahat. Kahit anong mangyari, sa inyo pa rin mapupunta ang funds. Sa totoo nga ee na kay Bryan lang ang funds. Siya nang nag-tago, plano talaga naming ibigay ulit sa inyo. Kinuha namin para madagdag rin namin sa huli."

"Paano niyo nakuha?"

"Trust me, it's not that easy." tumawa ng konti si Lexi.

"Bebeeeeeee!" ha? Parang familiar yung boses na 'yun aa!

Tumalikod ako.

"Ate Freeeeeetz!" niyakap ko siya. At niyakap niya rin ako.

"Musta ka na bebe? Kasama niyo ba ang barkada?"

"Oo ate. Sina Cassie wala nga lang kasi..."

"Ah siya nga yung nakita ko kanina. Siya yung naka loose na white shirt 'di ba?"

"Oo." tumango ako. "Paano mo nalaman?"

"May kasama siya 'di ba? Boyfriend ba niya? Akala ko si Tikoy manliligaw niya?"

"Hindi niya boyfriend 'yun. Kababata lang."

"Ah ganun ba?" tumingin siya kayna Barbie. "Wow! Ikaw si Barbie Forteza 'di ba?"

Humarap ako kay Barbie at nakita kong tumango siya. "Opo."

"Wow! It's such a pleasure to meet you." nakipag-kamay siya sa kanya. "Ang ganda mo pala sa personal. No doubt na naging pinakasikat ka rito. By the way ako nga pala si Fretzie Bercede."

"Salamat po." nginitian ni Barbie si ate Fretz.

"Ito nga po pala si Lexi, Bryan at Darren."

*
Ella's PoV, 30 minutes later.

Akalain mo! Andami namin ngayon! Ang barkada kasama, kasama ako siyempre, si Tammy, kuya, Jason, Patrick, Lawrence at Cassie. Si Spencer andito, kasama ni Jade as usual. Si Barbie, si Josh! Si Lexi, Bryan at ang kasama niya kaninang si Darren! Tapos si Justin at Vanessa, tapos si Christian pa! Tapos si kuya Enrique tiyaka yung girlfriend niyang si Geleen Weiss. (*Lin Oeymo) O ano? San ka pa?

"Hindi ako mapaniwalang nabuo tayo ngayon." sabi ko sa kanila tapos tumawa ng konti.

"Oo nga." tumawa si Tammy. "Siguro marami ring mangyayari ngayon.."

"HA!! NATALO NA RIN KITA! WOO!!"

"Hwaaaa! Hindi! Ako na dapat ee! Ikaw kasi!! Ang kulit mo! Hwaaaa!"

Si Lawrence at Cassie na naman. Ang kukulit!

Tumingin ako kayna Ate Fretz at nakita kong nag-uusap silang tatlo nina Darren at Spencer na binibuhat si Jade.

Lumingon naman ako kayna kuya Enrique, aba't kung ano ang ginagawa nila! Basta wag niyo nang alamin! Haha!

Si Lexi, Josh, Bryan at Barbie nagku-kwentuhan.

Si Justin at Vanessa! Kung lumalakad ang sweet! Sila na ba? Hwaw!

"May sari-sariling mundo."


"Haha. Oo nga. Kahit nagsama-sama tayo iba pa rin ang... Teka? Asan sina Patrick?"

(".)-------(.")

Wala. Napano sila?

"Teka nga! Anong number ni Patrick? Ang tagal na nating nagsasama ngayon ko lang naisipang kunin ang number niya."

Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Anong nakakagulat 'dun? "A-ah... H-hindi... Ko... Alam ee."

"Ha? E paano mo siya naco-contact?"

"Sa... Te..le..phone. Sa telephone! Tama. Sa telephone kami nag-uusap. Tama! Haha. Sa telephone kami nag-uusap."

"Girl may text ba ang telephone? Wag ka nga! Ano bang number niya?"

"Ah... Eh.... Yung kay Jason na lang! Tama! Yung kay Jason."

"Tsk. Sige." saka ko kinuha ang cellphone ko. Kaso pagkakuha ko nakita kong may tumatawag.

Batman?! Bakit tumatawag si Batman? Never pa 'tong tumawag aa? Makikipag-kita na kaya siya?

*Click*

"Hello?"

[Tammy! Si Patrick 'to. Asan ba kayo? Nawala kami, may nakita akong Batman shirt na bagay kay Ella. Ano bang size niya? Bibili ako.]

"Patrick?!"

[Tammy? Bakit ganyan boses mo? Iba yung boses mo sa telepono aa. May sakit ka ba?]

"PATRICK!! SI ELLA 'TO!!"

[HA?!]

"Ikaw si----"

*Toot toot*

"Tammyyyyyyyyyyy!!!"

Humarap sa 'kin si Tammy. "O bakit?"

"S-si Batman!"

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon